Pagrerekrut ng kadete sa PMA ihihinto muna | Bandera

Pagrerekrut ng kadete sa PMA ihihinto muna

Leifbilly Begas - October 23, 2019 - 05:39 PM

NAIS ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin na suspindehin muna ang recruitment ng mga bagong kadete ng Philippine Military Academy habang gumagawa ng mga hakbang upang matigil ang hazing.

Ayon kay Garbin, sa kasalukuyan ay walang kasiguruhan na hindi na nangyayari ang hazing ng mga kadete.

“Suspend new cadet recruitment for just one year, during which time the AFP (Armed Forces of the Philippines) must overhaul the PMA of its misguided notion that hazing is necessary to mold good defenders of the people and the Constitution,” ani Garbin, vice chairman ng House committee on justice.

Nadagdagan pa ng 27 ang mga kaso ng hazing sa PMA matapos lumutang ang mga kadete na nakaranas nito.

“Klarong-klaro, mas maliwanag pa sa sikat ng araw na may malaking mali at problema sa loob ng PMA na dapat itama agad ngayon. Huwag ipagpaliban. Gawin ngayon,” dagdag pa ni Garbin.

Sinabi niya na ilang beses ng may napaulat na insidente ng hazing sa PMA na patunay na kulang ang mga naging hakbang dati dahil nagpapatuloy ito.

Ang Judge Advocate General ng AFP ay maaari umanong manguna sa paglilinis sa PMA at maglagay ng angkop na pamamaraan upang matigil na ang hazing.

“Civilian oversight of this cleansing is necessary and this Congress can do on behalf of the parents, families, and friends of PMA cadets,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending