‘Isang lalaki lang ang ugat ng away ng Barretto sisters’

By Cristy Fermin October 21,2019
share this

‘Isang lalaki lang ang ugat ng away ng Barretto sisters’

By Cristy Fermin October 21,2019
share this


GABI nga ng mga itinatagong galit ang naganap sa mismong lamay ng poste ng pamilya Barretto. Mga personal na galit ‘yun na matagal na nilang kinikimkim pero nagkaroon ng pagkakataong mailabas nu’ng gabing ‘yun.

Totoo ang kuwento na umamba si Nicole, anak ni Jay-Jay, na sisipain si Gretchen nang lumapit ito kay Marjorie.

May nakapigil kay Nicole, nailayo siya sa komosyon, pero nang magkaroon ng pagkakataon si Gretchen ay hinila nito ang mahabang buhok ng kanyang pamangkin.

Mahigpit ang pagkahila ni Gretchen, sa kuwento ni Nicole ay halos humampas na ang kanyang ulo sa sahig, kung hindi siya nasalo ng mga nakapaligid sa kanila.

May hahalo pa sana sa gulo, ang kapatid ni Nicole na si Andrei, pero naharang ito ng mga PSG. Talagang galit na galit si Nicole kay Gretchen.

Rebelasyon ni Nicole, inagaw sa kanya ni Gretchen ang karelasyon niyang si Atong Ang. Tinraydor daw siya ng kanyang tiyahin, ayon pa kay Nicole, kaya para makalimot sa ginawa sa kanya ay nagpunta na lang siya sa Amerika para ipagpatuloy ang kanyang pagdo-doctorate.

Nakakaloka dahil ang sabi naman ni Gretchen ay inagaw lang ni Nicole kay Claudine si Atong Ang. Balita raw ni Gretchen ay inilako si Nicole ng kanyang nanay sa milyonaryong businessman.

Nakakabigla ang mga ganitong rebelasyon. Isang lalaki lang pala ang ugat ng kanilang away.

Totoo nga na ang magnanakaw ay galit sa kanyang kapwa magnanakaw!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending