Mukha ni Ate Guy nasa stamp na ng Philpost; pero nagawang ilaglag sa MMFF 2019 | Bandera

Mukha ni Ate Guy nasa stamp na ng Philpost; pero nagawang ilaglag sa MMFF 2019

Ronnie Carrasco III - October 21, 2019 - 12:01 AM

NORA AUNOR

ANYTIME soon ay available na ang four variations ng Nora Aunor stamps ng Philpost.

Not only is this good tidings para sa mga Noranians but also the philatelists (stamp collectors), na ewan kung ganoon pa rin kaaligaga mounting them all in volumes of albums tulad noong panahon namin.

Sa apat na uri ng selyo ni Ate Guy, dalawa roon ay collage ng mga litrato niya. The two others bear solely her face.

Sa dalawang face-bearing stamps, one shows Ate Guy behind the theatre curtains habang nagtatanghal while the other features her in one of the serious scenes from Ishmael Bernal’s classic Himala bilang si Elsa na isang faith healer.

All four Nora’s face-bearing variations share equal space with the façade of the Post Office building in Manila fronting the once-dimly lit plaza na may fountain as centerpiece.

No less than a rabid Noranian ang siyang nagdisenyo ng mga selyo priced at P17 each.

No doubt, isa na namang milestone—albeit long-overdue—ito sa buhay at karera ng nag-iisang Superstar. Hers is reviving consumerism sa mga kababayan natin na nawalan na ng hilig magpadala ng mga liham o greeting cards to their loved ones via air mail.

Let’s face it, with the advent of social media na mas pinabibilis at pinadadali ang komunikasyon, stamps have become a thing of a forgotten past. Pero sa tanggapin din natin o hindi, iba pa rin ang mga selyadong paraan ng pakikipag-ugnayan as these serve as worth-keeping mementos.

q q q

Aaminin naming dismayado kami that “Isa Pang Bahaghari” never made it to the remaining four na umaasang mapapabilang sa official Magic 8 entries ng Metro Manila Film Festival.

To our mind, this is the first time a Nora Aunor movie got snubbed by the MMFF gayong noong dekada otsenta’y “suki” si Ate Guy ng taunang event (so was Ate Vi).

Hindi namin maarok ang set of criteria na pinairal ng komite, pero tiyak na mas matimbang ang pakinabang ng isang kalahok sa iaakyat nitong revenues para masabing matagumpay ang MMFF sa aasahan nilang kikitain nito.

Kesehodang ikompromiso na ang kalidad ng pelikula, sorry but this hasn’t been the way the MMFF operates sa mga ilang sunud-sunod na taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

To borrow a Claire dela Fuente song: Sayang. Kay Manilyn Reynes: Sayang na Sayang. At sa Aegis: Sayang na sayang talaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending