Malditang female celeb plastik, kilalang politiko nabiktima | Bandera

Malditang female celeb plastik, kilalang politiko nabiktima

Cristy Fermin |October 19,2019
facebook
share this

Malditang female celeb plastik, kilalang politiko nabiktima

Cristy Fermin - October 19, 2019 - 12:50 AM

SA isang malungkot dapat na sitwasyon ay minsan pang kinakitaan ng kakaibang ugali ng mga impormante ang isang kilalang female personality.

Sa isang sitwasyon na dapat ay pagmamahal ang namamagitan dahil may nawalang mahalagang bahagi ng kanilang buhay ay mas pinalutang ng malditang aktres ang kanyang kakaibang emosyon.

Kuwento ng isang source na nakasaksi sa tagpo, “Wala naman dapat mangyayaring gulo, kaso, maaga pa lang, e, kumakawag na ang dila ng female personality na ‘yun!

“Bago pa man dumating ang isang mataas na opisyal ng gobyerno, e, nandu’n na ang advance party niya, nu’ng makita ‘yun ng female personality, e, nagtatalak na siya!

“Ang sigaw niya, ‘Why will he come here? He’s not even invited!’ Pero nu’ng nandu’n na ang pulitiko, e, nawindang ang mga nandu’n, dahil ang sabi niya, ‘Sir, thanks for coming. I voted for you.’

“Napakaplastik niya talaga! Nakakaloka siya! Hindi niya kayang panindigan ang mga pinagsasasabi niya! Anong ibinoto niya ‘yung politician, e, siya mismo ang nagsabi nu’ng wala pa ang bisita nila na hindi niya ibinoto ang politician na ‘yun!

“Ang nagagawa nga naman ng pagiging madrama at maldita! Nakakaloka ang babaeng ‘yun na ang feeling, e, kanyang-kanya ang mundo!” inis na pahayag ng source.

Hindi maatim ng babaeng ito na dumating sa lugar ang isang kadugo niya na kakontra-pelo niya.

Naninikip kuno ang kanyang dibdib, gusto niyang makipaggiyerahan, irap siya nang irap nang walang humpay.

Komento ng isang impormante, “Ginaganyan niya ngayon ang female personality, samantalang nu’ng walang-wala siya, e, ang taong ‘yun ang literal na bumuhay sa kanilang mag-iina!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Walang utang na loob ang tabachingching na babaeng ‘yun, madali siyang makalimot, nagka-amnesia agad siya sa mga ginawang kabutihan sa kanya at sa mga anak niya ng dumating na female personality na kadugo niya!

“Naku, Bradly Guevarra, Jon at Ching Bautista Silverio, wala nang clue, kilala n’yo na kung sino ang female personality na ito na masyadong war freak!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending