Ilang sanggol ng OFWs sa abroad iniiwan na lamang | Bandera

Ilang sanggol ng OFWs sa abroad iniiwan na lamang

Susan K - October 18, 2019 - 12:15 AM

ANO kaya ang pakiramdam ng isang inang ma-tapos makapanganak, ay basta na lamang iiwan ang kanyang sanggol na para bang walang nangyari at kakalimutan na lamang ang kabanatang iyon ng kaniyang buhay na minsan din siyang nagbuntis at nanganak.

May mga ina na para bang wala nang mga kunsensiya at naaatim nilang iwan ang mga batang
iniluwal.

Talagang nangyayari ang ganitong mga sitwasyon, lalo na sa mga bansa sa Middle East na bawal magbuntis ang isang babaeng walang asawa.

Hindi rin pupuwedeng magkasama ang isang lalaki at babae kung hindi naman sila mag asawa dahil tiyak na makukulong sila.

Kaya kapag nabuntis, dapat siyang umuwi kaagad. Pero may malalakas ang loob na kayang kayang itago ang kanilang pagbunbuntis sa pamamagitan ng maluluwang na mga damit at palalaba-sing mataba lamang sila.
May kukutsabahin silang mag-asawa na walang anak o di kaya ay iiwan na lang basta ang bata kung saan-saan.

Di rin puwedeng umuwing buntis ang ilan sa kanila dahil may mga asawa rin silang naiwan sa Pilipinas.

Ang iba naman dahil sa sobrang takot na makulong, uuwi nga ng Pilipinas at hahanap ng organisasyon na puwede nilang takbuhan kung saan sila mananatili roon hanggang makapa-nganak.
At pagkatapos iiwan na lang doon ang bata hanggang sa hanapan na lamang ng mag-aampon sa kaniyang anak.

Tulad din ng ilang nanay, aalisin nila sa isip nila iyon na para bang walang nangyari.

Iyan ang masakit na katotohanan sa mga pagkakamaling nagawa habang nangingibang bayan.

Pero kaya ba kayong patahimikin ng inyong kunsensiya?

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM (M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/ [email protected]

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending