Enchong Dee sa posisyon ni Mocha Uson sa OWWA: We’ll be watching... | Bandera

Enchong Dee sa posisyon ni Mocha Uson sa OWWA: We’ll be watching…

Julie Bonifacio - October 18, 2019 - 01:05 AM

ENCHONG DEE AT MOCHA USON

Nanalo ang Kapamilya star na si Enchong Dee sa kategoryang Best Single Performance By An Actor sa 33rd Star Awards for TV na mapapanood ngayong Linggo sa Sunday’s Best ng ABS-CBN.

Labis ang pasasalamat ni Enchong nu’ng tanggapin niya ang kanyang trophy. “Thank you so much.

Thank you sa lahat ng bumoto. Thank you sa lahat ng pumili,” ani Enchong nu’ng makausap namin siya sa dressing room ng Henry Lee Irwin Theater last Sunday.

Ngayong may bagong award si Enchong, baka magkaroon na uli siya ng bagong drama series ng ABS-CBN. One year na pala siyang ‘di gumagawa ng teleserye. When we asked him why, hindi rin daw niya alam.

“There were offers in the beginning but you have, kailangan mong timbangin, ‘di ba? So, kailangan ko munang intindihin kung gagawin ko ba ‘to dahil gusto ko lang gawin or, gagawin ko lang ba ‘to dahil wala nang maibigay?”

Nilinaw naman ni Enchong na ‘di porke wala siyang serye for one year ay pag-iisipan na niyang lumipat ng ibang network, “Hindi pa siguro ang tamang panahon para tanungin ko… kasi may kontrata pa ako, e.

Alam mo honestly, hindi ko siya iniisip talaga. Because, pakiramdam ko hindi naman talaga siya, hindi ko kinukuha lahat ng kayamanan ko sa showbusiness.

“So, parang, it’s a craft for me. It’s something that I really value. It’s something that I’m very passionate about. So, kailangan ko’ng pagisipan hindi lang dahil sa pera ‘yung showbusiness,” aniya pa.

Sa August, 2020 matatapos ang kontrata ni Enchong sa Kapamilya Network. Hindi naman daw siya naiinip dahil may mga pelikula naman daw na dumarating sa kanya. What’s keeping Enchong excited nowadays is his forthcoming film under Ten17 Production.

“We will start filming next month. Kina Direk Paul (Soriano), it’s a partnership with Tincan, ‘yung production ni Toni (Gonzaga). I’m looking for that kasi, hindi siya pang-MMFF, pero dream ko talaga na makatrabaho sina Direk Paul. Kasi, I feel like that they do quality films at the same time, may box-office marks.”

Kilala rin si Enchong na very active sa pagpo-post sa social media na may kinalaman sa social issues at ibang government officials. Dahil dito, madalas siyang naba-bash.

“Dapat nakikialam tayo sa mga nangyayari sa bansa natin. Pero nasa kanila naman, kumbaga, tayo naman komportable ang buhay natin. ‘Yung mga hindi, sila lang naman ‘yung mga iniisip natin,” sabi ng aktor.

Dugtong niya, “Mahal ko ang bansa natin, e. Ipaglalaban ko ang bansa natin. Kasi kahit iba-iba tayo ng opinyon, at least, may conversation, ‘di ba?”

Samantala, kinuha namin ang reaksyon ni Enchong sa bagong appointment sa gobyerno ni Mocha Uson, “Congratulations,” tugon ni Enchong. “We’ll be watching.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tinanong din namin si Enchong kung may plano ba siya na pumasok sa politika, “Ayoko ‘yan. Masaya na ang buhay ko sa kakaunting pera.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending