Aga umaming nagrebelde rin sa buhay: Ligaw na ligaw ako noon | Bandera

Aga umaming nagrebelde rin sa buhay: Ligaw na ligaw ako noon

Ervin Santiago |October 18,2019
facebook
share this

Aga umaming nagrebelde rin sa buhay: Ligaw na ligaw ako noon

Ervin Santiago - October 18, 2019 - 12:45 AM

AGA MUHLACH

AMINADO ang award-winning actor na si Aga Muhlach na nagrebelde rin siya noong kanyang kabataan.

Sa nakaraang mediacon ng latest movie niyang “NUUK” under Viva Films na ginanap sa Discovery Suites Ortigas, kung saan makakatambal niya uli si Alice Dixson makalipas ang mahabang panahon, naikuwento ni Aga kung paano siya magbaliw-baliwan noong kasagsagan ng kanyang kasikatan.

Una munang ibinahagi ng aktor na reunion movie nila ni Alice ang “NUUK”. Una silang nagkasama noon sa mga pelikula ng Regal Films tulad ng “Joey Boy Munti” (1991) at “Sinungaling Mong Puso” (1992).

“Actually, buwisit nga siya sa akin noon. Galit siya sa akin noon. Ang tingin niya raw sa akin noon, mayabang!” simulang kuwento ni Morning.

Pagpapatuloy pa ng mister ni Charlene Gonzales, “Sabi ko nga, rebel days ko yun, parang panahon ng mga lost days ko in the industry that people don’t remember, but I had those time.

“Yun ang mga panahon na kasama ko siya. Yun ang panahon na ligaw na ligaw na ligaw ako na parang darating ako sa shooting dahil kailangang dumating.

“Yun ang mga panahon na nasa set ka na, hindi ako dumarating. Presscon, hindi ako dumarating. Madami yun, tapos darating ako sa presscon, pilit na pilit, ‘tapos naka-shorts lang ako, naka-rubber shoes, tapos 10 minutes sa presscon, lalayas ako.

“Lalakad na lang ako, yun ang panahon na kasama ko siya. Hindi niyo alam yun. Ibang-iba na ngayon.

Lahat ng mga pinagdaanan ko, that’s tough. People siguro forgot already what I went through the ’80s, ’90s,” pag-alala ni Aga.

Wala raw problema kay Aga kung mabuhay muli ang mga issue sa kanya noong bata pa siya, “Okey lang para sa akin, I did not dwell on it. Inayos ko kasi yun. Lahat ng nangyaring gulo, kahit sila ang mali, ako ang naloko, ako ang naapi, hindi ko tinataniman ng sama ng loob, kasi inaayos ko ang sarili. Ang sa akin, gusto kong mabuhay nang maayos, gusto kong mabuhay nang masaya.”

Natanong din si Aga kung niligawan ba niya noon si Alice, “Parang wala naman, hindi naman ligaw, eh.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasi parang lahat naman sa’kin dati eh, di ba. Normal naman siguro, hindi naman sa chick boy ka pero lahat ng lalaki, gusto babae. Parang ‘pag may nakasama ka, ang ganda nito, nagagandahan ka, poporma ka ng konti.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending