Horoscope, Oct. 18, 2019 | Bandera

Horoscope, Oct. 18, 2019

Madam Sophia |October 18,2019
facebook
share this

Horoscope, Oct. 18, 2019

Madam Sophia - October 18, 2019 - 12:15 AM

Para sa mga may birthday ngayon: ‘Wag n’yong intindihin ang iniisip ng iba, ang mas importante ay ‘yung mahalaga. Ano ang mahalaga – tuparin mo kung anong gusto mo! Kung pera ang pag-uusapan, ‘wag kang ma-tempt sa mga gimmick na magdadala lang sa pagnipis ng ‘yong wallet. Always remember, malapit na ang Pasko, marami ka na namang aaginalduhang inaanak, kaya ngayon palang paghandaan mo na sila. Sa lovelife, kung hindi ka lang sana nagpabebe, e di sana’y matagal ka nang lumigaya. Markahan ang numerong 6, 9, 24, 33, 39 at 49. Pink at red ang buenas. Swerte sa initial na R. at C.

Aries – (Marso 21-April 19)— Mali ang ginawa mong pag-snob! What if nagkaroon ng time na ikaw naman ang mangailangan ng tulong ng iyong mga dating katropa pero ini-snob ka nila? I-open mo ‘yang mga kamay mo sa sinumang humihingi ng tulong, as if ikaw ‘yung makabagong Wonder Pets. Malay mo, baka sibatin ka ni Lord ng mas maraming mga blessings. Markahan ang numerong 3, 12, 22, 31, 38 at 45. Lilac at gray ang buenas. Swerte sa initial na S. at T.

Taurus – (April 20-May 20)—Sa umaga pa lang, humigop ka na ng mainit na sabaw, para naman hindi maging sabaw ‘yang utak mo. Pagtsagaan na lang kahit yung tag-be-benteng Nissin Ramen, at least, yung init ng sabaw mabibigay sa’yo ng alertness sa anumang sitwasyon na darating ngayong araw. Plus, pwede mo pang i-flex sa mga friends mo na hindi pandesal kundi ramen ang inalmusal mo ngayong umaga. Speaking of flex, ngayon ang tamang chance ng pagpi-flex sa’yong jowa sa pamamagitan ng panglilibre sa kanya sa coffee shop. Ayos yan, mas iinit pa sa kape ang inyong pagmamahalan. Markahan ang numerong 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Blue at red ang buenas. Swerte ang initial na B. at R.

Gemini – (May 21-June 21)— Malapit na ang Pasko! Ngayon palang, ihanda mo na ang mga ireregelo mo sa’yong di-mabilang na inaanak. Sa lovelife, ang dating umiiwas sa’yo ay muling magpaparamdam, parang nag-costume lang ng multo sa darating na Halloween. Nasa-sa’yo na kung i-a-accommodate mo siyang muli sa heart mo. Markahan ang numerong 5, 9, 26, 34, 43, at 49. Pink at gray ang buenas. Swerte sa initial na F. at S.

Cancer – (June 22- July 22)—Alam mo kung ba’t di ka yumayaman? Kulang ka kasi sa self-confidence. Kapag na-build-up mo na ‘yang self-confidence mo, ang swerte na mismo ang lalapit sa’yo. Pero sa lovelife, ikaw naman ang mag-initiate ng convo. Kapag naka-tsamba ka ng isang Scorpio at tinusok ka ng matulis niyang buntot, aray ko – mapi-feel mo na ang ligayang cloud nine. Markahan ang numerong 5, 14, 23, 26, 35, at 44. Green at maroon ang buenas. Suwerte ang initial na L. a A.

Leo – (July 23 – August 22)— Ngayong malapit na ang Pasko, malaki ang chance mong magkapera, basta ba’t palagi kang magpa-impress at dumikit sa isang Aries. Aries din ang magiging life-saver ng iyong lovelife, para kayong si Aladdin at Jasmine, swak sa isa’t isa. Pero kung wala kang makitang Aries, don’t worry, nand’yan naman ang mga Sagittarius, nakabukaka, kumukuyakuyakoy at hinihintay ka. Markahan ang numerong 1, 13, 26, 34, 43 at 49. Yellow at peach ang buenas. Swerte ang initial na H. at R.

Virgo – (August 23 – September 22)—Paggising mo sa umaga, ask yourself: “Ano ba ang dapat kong i-priority, community o family?” Syempre, family! Mag-lie-low ka muna sa mga pa-epal na community engagement at mag-stay ka lang d’yan sa bahay. Family ang unahin mo ngayong nalalapit na ang kapaskuham dahil sila ang magiging source ng suwerte mo at kaligayahan. Markahan ang numerong 5, 18, 29, 38, 40 at 45. Silver at blue ang buenas. Swerte ang initial na V. at Y.

Libra – (September 23-October 23)—Kashing lang nang kashing ang mga pera hanggang sa mabundat ‘yang maliit mong wallet. Sa dami ng iyong pera, tila magiging buhay na buhay ka sa Araw ng mga Patay. Unfortunately, ang mga dating patay na patay sa’yo pagdating sa lovelife ay mabubuhayan, mare-realize nilang ikaw ang may kasalanan ng inyong LQ at totoong ikaw nga ang dapat sisihin. Walang buhay ang inyong landian, although i-try mo pa ring mag-effort, hindi matatapos ang buwan ng Oktubre, gagang din ang loob n’ya sa’yo. Markahan ang numerong 6, 15, 27, 37, 41 at 45. Blue at beige ang buenas. Swerte ang initial na N. at S.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Lesson learned! Sumibat ka na sa mga walang kwentang usapan at mga kotropa mong maraming palusot. Kokontrahin ka lang nila ng kokontrahin sa anumang sabihin mo. Paglalaruan ka lang nila na parang manok na pula na gumigiwang-giwang sa salpukan. Sa lovelife, keep up the good work! Maging alpha-dog ka sa jowa mong martyr. Markahan ang numerong 5, 9, 18, 27, 40 at 45. Green at silver ang buenas. Swerte ang initial na F. at J.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Mag-effort kang mapasaya ang ‘yong sarili kahit Long Distance Relationship kayo ng masipag mong bebe labs. Sa usaping pera, subukan mo namang mag-ipon kahit kaunti. Patunayan mong mali ang kasabihang “Ang taong gipit, sa wampipti + unli-pops kumakapit.” Huwag mong ring hintayin ang time na dahil wala kang savings ay lakas-loob kang mambuburaot sa iyong mga friendships. Markahan ang numerong 7, 11, 20, 38, 40 at 45. Yellow at orange ang buenas. Swerte ang M. at A.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Kapag may mga nang-bu-bully sa’yo, ‘wag mo silang labanan ng one-on-one, baka matalo ka. Ang dapat mong gawin ay hanapin ang kadenang ginto hanggang sa yumaman o maging powerful ka. Kapag yumaman o naging powerful ka na, ang mismong kadenang ginto ang ipulupot mo sa mga leeg nila para di ka na nila i-bully pang muli. Markahan ang numerong 7, 15, 23, 34, 45 at 49. Yellow at pink ang buenas. Swerte ang initial na O. at P.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Mag-pray ka kay Lord para kumapit muli ang swerte sa iyong business. Kapag nasobrahan ka sa dasal, hindi malayong pati ang lovelife mo ay ma-carried-away sa kaswertehan. Ibibigay sa’yo ng langit ang pinakahihintay mong forever. Basta’t forever mo rin siyang hintayin. Markahan ang numerong 4, 13, 33, 40, 41, at 46. Orange at gold ang buenas. Swerte ang R. at A.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Ngayon na ang tamang oppportunity para samantalahin ang mga shongakers mong kapwa. Pwede mo silang gatasan at baka makakuha ka ng extra income. Sa lovelife, i-convince mo ang ‘yong honey na tulungan ka sa mga pinaplano mong business. Kapag nagawa mo ang iyong business plan, sponsored by your partner, malaki ang chance na sabay kayong makahiga sa makapal na dollars, – mayamang-mayaman na kayo! Markahan ang numerong 7, 16, 25, 34, 40 at 42. White at maroon ang buenas. Swerte ang P. at M.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending