Klea gusto nang mag-quit sa showbiz: Pero binigyan po ako ng sign ni Lord | Bandera

Klea gusto nang mag-quit sa showbiz: Pero binigyan po ako ng sign ni Lord

Bandera |October 18,2019
facebook
share this

Klea gusto nang mag-quit sa showbiz: Pero binigyan po ako ng sign ni Lord

Bandera - October 18, 2019 - 12:25 AM

KLEA PINEDA

INAMIN ng Kapuso actress na si Klea Pineda na muntik na siyang mag-quit sa showbiz.

Sa nakaraang grand mediacon ng bagong afternoon series ng GMA na Magkaagaw, naikuwento ng dalaga ang plano niyang pagpapaalam sa kanyang mother network para ipagpatuloy na lang ang kanyang pag-aaral.

“Umabot ako sa point na gusto ko nang ituloy ‘yung studies ko. Yes gusto ko nang mag-give up,” diretsong pahayag ni Klea nang makachikahan ng ilang members ng entertainment media sa presscon ng Magkaagaw kung saan makakatambal niya uli ang Kapuso hunk na si Jeric Gonzales.

Ayon pa sa StarSruck Season 6 Ultimate Female Survivor buti na lang daw at dumating ang bagong offer ng GMA kaya nag-decide siyang panindigan ang nasimulan niya sa showbiz.

“Pero parang ayokong i-give up eh. Parang may something sa akin na ayaw kong bitawan. Salamat sa Magkaagaw. Ito ‘yong ibinigay sa kin na isang malaking suntok ni Lord, ‘This is for you and I have plans for you. ‘Wag kang maging impatient. I’m cooking something for you na sobrang ma-a-appreciate mo after all these sacrifices, after all this waiting game. Ibibigay ko sa ‘yo sa tamang timing,'” lahad ni Klea.

Nabuhayan ng loob at mas naging dedicated pa siya sa kanyang career nang ibalita sa kanya na isa siya sa magbibida sa upcoming GMA Afternoon Prime kung saan makakasama niya sina Sheryl Cruz at Sunshine Dizon.

“Noong sinabi na sa akin na may new show na ako, talagang nagsisigaw ako sa kuwarto. Isa siyang dream come true talaga sa akin.

“And masasabi ko na, ‘Klea, you did a great job.’ Mas binigyan mo ng reason ‘yung mga tao na maniwala sa ‘yo and mas kilalanin ka pa.’ Ang tagal kong pinaghirapan ‘to. Ang tagal kong nag-wait. Ang tagal kong

nag-pray,” ani Klea na pwedeng-pwede talagang sumabak sa beauty pageants.

“Ito na ‘yung turning point ko. Happy ako talaga, sobra. Sabi ko kay Lord, ‘thank you sa sign na ‘to dahil biglang bumalik ‘yung fire inside me. Sobrang in love ko sa craft na ‘to, bumalik siya,'” tuwang-tuwa pang chika ng dalaga.

Magsisimula na ang Magkaagaw sa GMA Afternoon Prime sa Oct. 21, mula Lunes hanggang Sabado after Eat Bulaga. Ito ang papalit na magtatapos ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin dito sina Polo Ravales, Dion Ignacio, Dennis Padilla, Lovely Abella, Isay Alvarez, Patricia Tumulak, Joanna Marie Tan, with Alfred Vargas, sa direksyon ni Gil Tejada, Jr..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending