‘Tama lang na makipag-ayos si Kris kay Nicko Falcis’
NAG-AMICABLE settlement na si Kris Something sa magkapatid na Nicko and Jesus Falcis.
Marami ang na-happy sa ginawang iyon ni Kris. At least napatunayan niyang kaya niyang sumuko sa laban. But just the same, public perceptions were against her. Marami ang nag-react laban sa kanya sa isang popular website.
“Mahina kasi laban ni Kris, kaya pumayag na lang sa areglo. Ginawa kasing big deal, wala naman talagang mali yung isa.”
“Hindi naman kasi talaga uurong yang mga Falcis eh may sakit pa si Kris kaya tama lang yan, sayang lang ang panahon na gagamitin para sa kasong yan.”
“Wala naman kasing kaso in the first place kaya nga nadismiss lahat eh. Gusto lang niya may zarzuela pang gagawin si Falcis bago umalis sa kanya. Kaso hindi pumayag. Palaban din. Nagback fire sa kanya.
Pati credibility niya naapektuhan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.