Bagyong Perla malulusaw sa malamig na hangin
POSIBLENG malusaw ang bagyong Perla habang papalapit sa kalupaan ng bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration maaaring maging low pressure area na lamang ang bagyo dahil sa malamig na hangin mula sa hilaga na makakaapekto rito.
Ngayong umaga ang bagyo ay nasa layong 910 kilometro sa silangan ng Tuguegarao, Cagayan.
May hangin ito na umaabot sa 45 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugso na hanggang 55 kilometro bawat oras. Umuusad ito sa bilis na 10 kilometro bawat oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.