Para sa may kaarawan ngayon: Hindi ka matutulad sa “manok na pula” sa araw na ito, sapagkat susuwertehin ka, basta’t patuloy mo lang na ipaglaban ang lahat ng iyong ginagawa at paniniwala. Sa pag-ibig may kaunting kalungkutan sa umaga, ngunit magiging masaya na ang lahat pagsapit ngdilim. Mapalad ang 7, 11, 19, 23, 26, at 45. Gold at green ang buenas na kulay. Suwerte sa initial na L. at A.
Aries – (Marso 21-April 19)—Minsan kailangan mang-uto upang makuha ang iyong gusto. Sa pag-ibig, utuin mo ng utuin ang iyong minamahal upang mapasunod mo siya sa iyong kagustuhan. Sa career at pinansyal, habang nalalapit na ang All Saint Day tuloy-tuloy na madadagdagan ang kinikita. Mapalad ang 3, 15, 27, 35, 41 at 44. Blue at pink ang buenas na kulay. Suwerte sa initial na R.
at H.
Taurus – (April 20-May 20)—Mas masarap ang feeling kung lagi kang nakangiti. Ngitian ang iyong mga kaaway, ngitian ang lahat ngmakakasalubong mo sa daan, ngitian ang iyong boss, upang dagdagan niya ang iyong Christmas bonus. Sa pag-ibig, ibigay ang pinakamasarap na alinghing sa kasuyong nahihirapan ng makadalawa. Mapalad ang 6, 15, 21, 35, 41 at 49. Red at orange ang buenas. Suwerte sa initial na J. at K.
Gemini – (May 21-June 21)—Mabilis ang ikot ng mundo, kaya bibilis din ang dating ng iyong suwerte at magandang kapalaran. Sa career at pinansyal, kung ang iba ay nagpapakapagod para kumita ng maraming money, ang sa iyo ay kakaiba, kahit mamahinga ka, ang langit ang kikilos, bigla kang makakatanggap ng malaking halaga. Mapalad ang 1, 8, 19, 26, 35, at 44. Silver at white ang buenas. Suwerte sa initial na M. at O.
Cancer – (June 22- July 22)—Wag malungkot sa mga nagdaang kapalpakan. Oo kung paanong tinatangay ng hangin ang makapal na ulap, isa-isa na ring lilisan ang iyong mga problema. Sa pag-ibig, hindi ka dapat magdahilan, upang muling uminit ang relasyon ibigay mo ang pinakamainit na yakap at pinakamasarap na halik sa iyong minamahal. Mapalad ang 2, 16, 37, 44, 47 at 49. Beige at green ang buenas. Suwerte sa initial na T. at C.
Leo – (July 23 – August 22)—Sun ang ruling planet ng mga Leo, sisikat ka at kikilalanin sa iyong larangan, basta’t wag ka lang tutulog-tulog. Sa career at pinansyal, minsan nakakatakot makita ang future, pero kapag nandon ka na, wala kang magagawa at magugulat ka dahil ang future mo pala ay ang umunlad at yumaman. Mapalad ang 5, 19, 28, 32, 39 at 41. Purple at yellow ang buenas. Suwerte sa initial na J. at I.
Virgo – (August 23 – September 22)—Ituutusan ka ng langit na ituring mong ito na ang huling araw. Kapag ito na ang huling araw, magagawa mo ang pinakamahusay na likha na magdudulot sa iyo ng maraming-maraming salapi. Sa pag-ibig, nuknukan ka ng tamad sa romansa, kaya tinatamad sa iyo ang iyong minamahal, – galingan mo naman! Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 39 at 47. Blue at silver ang buenas. Suwerte sa initial na T. at C.
Libra – (September 23-October 23)— Lagyan mo ng lambing at pagmamahal ang araw na ito. Kahit na may mga lihim na naiinggit sa iyo, mahalin mo sila at pagpasensyahan. Habang patuloy kang nagpapasensya, sa darating na kapaskuhan, mapapasa iyo ang mas malaking suwerte at magagandang kapalarang magpapasaya ng labis sa iyong pamilya. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 36 at 45. Red at pink ang buenas. Suwerte sa initial na J. at A.
Scorpio – (October 24 – November 21)— May hahabol sa iyo ngayon. Oo hahabulin ka ng suwerte at magandang kapalaran, kaya nga kahit saan ka pa magsuot at magpunta, sa gusto at ayaw mo, papalarin ka. Sa career at pinansyal, mag-ipon ka ng mag-ipon, upang maging hayahay ang buhay sa panahon ngiyong pagtanda. Mapalad ang 2, 16, 25, 33, 40 at 49. Green at red ang buenas. Suwerte sa initial na G. at E.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Pauna lang ang mga suwerteng tatanggapin mo ngayong buwan ng Oktubre, sapagkat sa susunod na buwan ng Nobyembre parami pa ng parami ang suwerte at magagandang kapalarang iyong matatanggap hanggang sa sumapit ang panahon ng kapaskuhan, Wala tayong magagawa, maganda ka kasi kaya natutuwa sa iyo at lagi kang kinakasyahan ng langit.Mapalad ang 4, 9, 18, 34, 39 at 42. Pink at maroon at buenas. Suwerte sa initial na A. at B.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Ingatan mo ang iyong kalusugan dahil malapit na malapit ka ng yumaman. Kapag mayamang-mayaman ka na, maipapagawa mo na ang lahat ng gusto mong ipagaawa at makakabili ka ng magagarang sasakyan. Upang matupad at bilang pagtanaw ng utang na loob sa tatamuhin mong pagyaman, lagi kang tumulong ng palihim sa mga ulila at sawing-palad. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 37, at 48. Yellow at orange ang buenas. Suwerte sa initial na J. at D.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Kailangan ka ng iyong pamilya kaya dapat mo pang lalong pagsilahin at pagbutihin ang iyong ginagawa. Hindi ka naman makakaiwas sa intriga dahil sinusundan ka talaga nito. Ang hindi nila alam, sa bawat intriga na iyong masasawsawan, ang kasunod nito ay suwerte at magandang kapalaran Mapalad ang 4, 16, 23, 25, 34 at 49. Green at white ang buenas. Suwerte sa initial na B. at T.
Pisces – (February 19 – March 20)—Hindi dapat panghinaan ng loob. Ituloy mo lang ang pagiging malapit kay Lord. Naririnig naman niya ang mga panalangin mo. Hindi pa niya ito tinutugunan, dahil mas nauuna tugunan ng langit ang mga t kahilingan ng mga taong malalapit sa iyo, Ngunit pagpasok ng Nobyembre at Disyembre, habang nag-aamoy simoy pasko na ang kapaligiran, isa-isa ng matutupad ang iyong mga dalangin at kahilingan. Mapalad ang 7, 8, 11, 37, 41 at 48. Apple green at lilac ang buenas. Suwerte sa initial na F. at D.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.