MAY bagong Korean drama rin ang magaling na aktor na si Oh Ji Ho, ang No Second Chance, kasama ang iba pang magagaling na celebrities na sina Ye Ji Won, Park Se Wan at Kwak Dong Yeon.
Tungkol ito sa buhay ng apat na pangunahing karakter na nakatira sa Paradise Inn, located sa gitna ng Seoul.
Nakatira ang karakter ni Ji Ho (Gam Poong Ki) sa room five sa Paradise Inn. Gwapo, at may good sense of humor ang karakter na kanyang gagampanan.
Nasa room six naman si Bang Eun Ji, isang magadang dalaga na may mabuting loob na bibigyang buhay ng aktres na si Ji Won. Cool na coll naman si Geum Bak Ha who stays at room four (Park Se Wan).
Samantalang si Na Hae Joon na isang successor five star hotel naman ang gagampanan ni Dong Yeon.
Bumida sa drama na Should We Kiss First (2018) si Ji Ho habang si Ji Won naman ay nakilala sa The Beauty Inside (2018).
Napanood naman si Se Wan sa Just Dance (2018) habang si Dong Yeon naman ay bumida sa hit drama na My ID is Gangnam Beauty (2018). – Joshua Jazz Lapitan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.