Taas PhilHealth contribution inangalan

By Leifbilly Begas October 16,2019
share this

Taas PhilHealth contribution inangalan

By Leifbilly Begas October 16,2019
share this

HINDI pa man sumusuweldo, magbabayad na umano ang mga overseas Filipino workers ng hanggang P50,000 bago umalis dahil sa pagtataas ng kontribusyon ng Philippine Health Insurance Corp.

Ayon kay House Deputy Minority Leader Carlos Zarate at Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite hindi makatwiran ang dagdag pasanin na ito ng mga OFW na aalis ng bansa para may maitustos sa kanilang pamilya.

“Based on computations of migrant groups the new PhilHealth increase would force OFWs to shell out up to P50,000 even before they leave the country. What is worse is that according to the implementing rules of the government’s health care program it is required that all land-based OFWs pay their premiums to the state-run PhilHealth before they are issued overseas employment certificates.”

Sinabi ni Zarate na mistulang hostage ng PhilHealth ang mga OFW na kailangang magbayad ng hanggang “P50,000 ransom”.

Sa halip na magtaas ng kontribusyon, dapat ang asikasuhin umano ng PhilHealth ay ang kanilang serbisyo at ang paglinis sa mga ghost patients at ghost dialysis at bawasan ang naglalakihang bonus ng mga opisyal nito na tumutuyo sa kanilang pondo, ayon kay Gaite.

“In previous Congresses Bayan Muna along with other members of the Makabayan bloc have questioned the premium rate increases of PhilHealth because its officials were reported to have been given P1.5 billion in bonuses despite issues raised by the Commission on Audit over the allegedly slow processing of claims. Now its budget is even further augmented by the General Appropriations Bill. So it is really questionable why they have to force OFWs to pay more.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending