Commute challenge walang saysay | Bandera

Commute challenge walang saysay

Leifbilly Begas - October 16, 2019 - 12:15 AM

MAY naidulot bang maganda sa mga pasahero ang pagko-commute ni Presidential spokesman Salvador Panelo noong Biyernes?
Gumanda na ba ang serbisyo ng mass transport? O mayroon man lang bang nabuong magandang proyekto para tugunan ang hirap na nararanasan ng mga pasahero?
Parang wala.
Kahit ba sabihin na naranasan na ni Panelo ang paggugol ng mahabang oras sa biyahe wala namang nagbago. Ganun pa rin, kailangan pa ring gumising ng maaga ng mga empleyado at estudyante para hindi ma-late.
Pare-pareho naman nating alam na hindi masosolusyunan ng pagko-commute ng mga opisyal ang problema sa trapiko. Hindi naman kasi nagka-trapik dahil hindi na sila nagko-commute.
Ang dahilan ng trapik ay napakarami ng sasakyan at kakulangan ng imprastraktura.
At dahil nagsabay-sabay ang mga proyekto ng gobyerno na solusyon sa trapik ay lalong bumibigat ang daloy ng trapiko.
Noong 2016 elections ay naging isyu sa kampanya ang trapik. Sa 2022 presidential elections magiging isyu pa kaya ito ulit?
Kung makatitikim ng ginhawa ang mga pasahero na malamang ay mga botante rin, puntos ito sa mamanukin ni Pangulong Duterte.
qqq
Para sa Alliance of Concerned Teachers Philippines lalong naging obvious na favorite ng Pangulo ang mga military and uniformed personnel kahit na yung mga nagretiro na sa serbisyo.
Naglabas kasi ang Department of Budget and Management ng P22.3 bilyon para sa pension differential fund ng mga retiradong MUP para sa mga buwan ng Hunyo hanggang Disyembre 2019.
Pangako ng DBM isusunod nito ang pension differential para sa Enero hanggang Mayo 2019.
Mas malaki pa ang ibinigay ng gobyerno sa mga retiradong MUP kumpara sa 1.5 milyong civilian employees.
Sa ilalim ng 2020 budget, P31.1 bilyon ang inilaan ng gobyerno para sa taas sahod ng 1.5 milyong civilian employees samantalang ang pension differential ng MUP sa taong 2019 ay aabot sa kabuuang P38 bilyon, mas malaki pa.
Masisisi mo ba ang mga teacher at iba pang civil servant kung magtampo?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending