Vice, Regine, Sharon napanganga sa galing ng viral kid acrobat

By Alex Brosas October 16,2019
share this

Vice, Regine, Sharon napanganga sa galing ng viral kid acrobat

By Alex Brosas October 16,2019
share this

VICE GANDA, SHARON CUNETA AT REGINE VELASQUEZ

Pinasaya ni Mark Anthony Bonita ang Gandang Gabi, Vice audience last Sunday.

Aliw na aliw si Vice Ganda maging sina Megastar Sharon Cuneta at Songbird Regine Velasquez sa mala-acrobatic performance ni Maky na mula pa sa Tabaco, Albay.

Nag-viral kasi ang video ni Maky na nakunan habang kumakanta ng hit song ni Regine, ang “Pangarap Ko Ang Ibigin Ka.”

Kakaiba ang performance ng bagets dahil hawak niya paitaas ang kanyang paa habang kumakanta.

Before introducing him, ipinakita ni Vice ang video ni Maky. Hindi naman nagpatalbog si Sharon at ipinataas niya kay Vice ang kanyang paa.

Kinanta rin niya ang “Akin Ka Na Lang” ni Morisette habang tuma-tumbling.

Anyway, hangang-hanga sina Vice, Regine at Sharon sa flexibility ni Maky at maging sa kanyang birit powers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending