Sunshine Dizon: Maling-mali pa rin ang maging kabit!

By Jun Nardo October 16,2019
share this

Sunshine Dizon: Maling-mali pa rin ang maging kabit!

By Jun Nardo October 16,2019
share this

SUNSHINE DIZON

Kabit ni Alfred Vargas ang role ni Sunshine Dizon sa bagong GMA Afternoon Prime series na Magkaagaw.

Of course, may back story ang character niya kaya siguradong makikisimpatya pa rin ang mga manonood sa kanya. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na nagkaroon umano ng other woman ang pinakasalan niyang asawa.

Tinanong namin kay Shine sa mediacon ng Magkaagaw kung nagbago ba ang pananaw niya sa mga babaeng kumakabit sa may mga asawa na ngayong ganito na ang character na kanyang gagampanan.

“Neeeever! Neeeever! Uulitin ko ulit! Neeeever!” diin ni Sunshine.

Rason niya, “Iba naman ang sitwasyon ni Laura (her character). She was put in that situation na wala siyang laban. Hindi niya alam na may prior marriage?”

“Sa sitwasyon ni Laura, people will sympathize with her. Pero kapag alam mong may asawa at sumige pa rin, hindi tama ‘yon! Maling-mali po!” ani Sunshine.

After Ryza Cenon sa phenomenal hit series na Ika-6 Na Utos, si Sheryl Cruz naman ang makakabakbakan niya sa Magkaagaw. Sisiguruhin daw nila na iba naman ang mapapanood ng mga Kapuso sa confrontation scenes sa serye.

Abangan ang pagbabalik ni Sunshine bilang reyna ng afternoon slot sa GMA 7!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending