Tatay nina Bitoy at Claudine pumanaw na

By Ervin Santiago October 15,2019
share this

Tatay nina Bitoy at Claudine pumanaw na

By Ervin Santiago October 15,2019
share this

MICHAEL V AT CLAUDINE BARRETTO

 

NAGLULUKSA ngayon ang pamilya at mga kaanak nina Michael V at Claudine Barretto dahil sa pagpanaw ng kanilang mga ama.

Sumakabilang-buhay na si Cesar Felix Bunagan, ang tatay ni Bitoy kamakailan. Ibinahagi ng Kapuso TV host-comedian ang malungkot na balita sa kanyang Instagram account.

Nag-post si Michael V sa IG ng isang litrato ng dalawang magkahawak na kamay na may caption na: “Almighty and merciful God, who hast bestowed upon mankind saving remedies and the gift of everlasting life, look graciously upon us Thy servants and comfort the souls which Thou hast made, that, in the hour of their passing, cleansed from all stain of sin, they may deserve to be presented to Thee, their Creator, by the hands of the holy angels. Through Christ our Lord. Amen.”

Walang sinabi si Bitoy kung ano ang ikinamatay ng kanyang tatay pero bago ito namaalam, nag-post pa ang komedyante ng throwback photo ng kanilang pamilya kasama si G. Bunagan. May caption itong, “Holding on,” at “Bring us back”, kasabay ng hiling na ipagdasal ng kanyang followers ang ama.

Ilan sa mga nakiramay sa pamilya ni Bitoy ay ang mga kaibigan niya sa showbiz kabilang na sina Dingdong Avanzado, Iza Calzado, Hero Angeles, Julia Clarete at marami pang iba.**

***

Ilang araw matapos makiusap si Claudine Barretto na ipagdasal ang may sakit niyang ama, pumanaw na rin ito habang naka-confine sa ospital.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang aktres ng isang video kung saan nakapalibot silang pamilya sa hospital bed ni G. Miguel Barretto na may maikling caption na, “We luv u dad.”

Isinugod ang tatay nina Claudine, Marjorie at Gretchen Barretto sa St. Luke’s Medical Center matapos mag-celebrate ng kanyang 82nd birthday. Ilang araw din siyang na-confine hanggang sa bawian na nga ng buhay.

“Dearest Dad, it was your birthday yesterday but you’re still in the hospital making sure to be stronger for us. I don’t have a birthday gift because really what do we give a Man who has been selfless, both you and Mom. U know dad not everyone is given a gift to have a father who unconditionally loves his children,” ang mensahe ni Claudine sa ama noong birthday nito.

Ito naman ang ipinost ni message ni Claudine sa kanyang Instagram Story, “I never knew i could hurt like this. GOODBYE DADDY (tatlong prayer emojis)!”

Bago ito, marami ang natuwa sa muling pagkikita nina Claudine at Julia Barretto nang dumalaw ang dalaga sa kanyang lolo kasama ang inang si Marjorie. Nalungkot at na-disappoint naman ang mga followers ni Claudine dahil hindi nila nakita sa naganap na “family reunion” sa ospital si Gretchen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending