PATAY ang isang basurero na nahulog sa riles ng Metro Rail Transit 3 ngayong araw.
Ang biktima ay kinilalang si Mas-Ud Sandamon, 21, tubong Marang Sumisip Basilan.
Tumungtong umano ang lalaki sa bakod ng MRT3 sa pagitan ng Buendia at Ayala stations sa Makati City alas-12:16 ng tanghali.
Inaalam pa kung sinadyang tumalon o aksidente ang pagkahulog ng lalaki na bumagsak sa riles.
Walang suot na pang-itaas na damit ang lalaki na nagtamo ng malaking sugat sa ulo na ikinamatay nito.
Naabala ang operasyon ng mga tren dahil sa pangyayari.
Alas-2:47 ng hapon nang bumalik sa normal ang operasyon ng MRT3.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.