Mark Bautista naging choosy sa pagpili ng dyowa: Nag-iingat lang ako
MAHIGIT isang taon na ang nakalipas matapos umaming isa siyang bisexual, wala pa ring lovelife ang Kapuso TV host-singer na si Mark Bautista.
Ayon kay Mark, hindi naman siya nagmamadali na magkadyowa at naniniwala siya na kung may darating na taong magmamahal sa kanya at gusto rin niya, game siyang sumugal.
Pero sa panayam ng GMA 7 inamin ni Mark na mas naging choosy na siya ngayon pagdating sa pakikipagrelasyon, “Mas ano ako ngayon, mas maingat sa pagpili.
“Tinitignan ko na kung ano ba ‘yung mas compatible sa akin. Hindi naman sa hindi pa siya priority. Hindi pa, hindi pa siya dumarating. Wow! Ha-hahaha! Showbiz na showbiz ‘yun!” natatawang chika ng Kapuso singer.
Ayon pa kay Mark, wala naman daw siyang ideal partner, mararamdaman na lang daw niya kung gusto niya ang isang tao.
“Kung ano lang ‘yung nagpapa-shine sa aking puso, nagpapa-spark, ‘yun lang, ‘yun lang ‘yun. Simple lang ‘yun, kung nagko-connect ako sa soul ng isang tao,” paliwanag niya.
Kung matatandaan, sa libro niyang “Beyond the Mark” inamin ng singer na isa siyang bisexual na talagang mainit na pinag-usapan in and out of showbiz. Marami ang na-turn off sa kanya pero mas marami ang humanga sa katapangan niyang aminin sa madlang pipol ang tunay niyang pagkatao.
So, kumusta na ba ang estado ng kanyang buhay? “Okay naman, masaya naman ako ngayon. Well, I hope that I was able to spread love through my book and sana sila rin.
“I’m in a good state. I’m happy. I’m happy that GMA is still supporting me,” aniya pa sa panayam ng Kapuso Network.
q q q
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.