Cristine Reyes, Xian Lim astig, maangas sa ‘Untrue’
Ang Viva movie na “Untrue” ang opening film sa on-going QCinema International Film Festival na nagsimula nu’ng Linggo sa Gateway Cinema.
Present sa opening si Quezon City Mayor Joy Belmonte, Festival Director na si Ed Lejano at ang isa sa mga bida ng pelikula na si Cristine Reyes.
Maangas ang character na ginampanan ni Cristine at ng co-star niya sa movie na si Xian Lim. Hindi ito ordinaryong love story dahil may pagka-thriller ang dating at swak na swak ang performance ng dalawang bida.
Sa bansang Georgia ang setting ng “Untrue” kaya nakadagdag ang lokasyon sa misteryong bumabalot sa kuwento.
Ibang atake ang ginawa ni direk Sigrid Bernardo sa bago niyang obra kaya nagmarka sina Cristine at Xian sa kanilang mga eksena. Si Sigrid ang nagdirek ng 2017 blockbuster movie na “Kita Kita.”
Ang warning namin sa mga moviegoers, panoorin mula sa simula ang “Untrue” para mas lalo n’yong ma-apprereciate ang kabuuan nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.