Female celeb mala-doberman kung magbantay, maramot sa mga kaanak ng sikat na asawa

By Cristy Fermin October 15,2019
share this

Female celeb mala-doberman kung magbantay, maramot sa mga kaanak ng sikat na asawa

By Cristy Fermin October 15,2019
share this

HINDI na bago para sa mga kababayan ng isang female celebrity ang kanyang pagyayabang. Dati na kunong ganu’n siya, pasimple lang, pero rock ang kayabangan.

Matagal nang nagiging paksa sa mga kuwentuhan ang nasabing babae, nakalimot na raw siya sa kanyang pinanggalingan, palibhasa’y marami na siyang datung ngayon.

Kuwento ng isang source, “Madaling intindihin kung bakit siya ganyan kung maglantad ng kayamanan nila. Nila, ha? Hindi naman kasi siya ang dahilan kung bakit sila yumaman talaga!

“Galing kasi siya sa mahirap na pamilya, matagal siyang kapos sa buhay, kaya nu’ng magkaroon na sila, e, ganyan na ang pagmamalaki niya.

“Hindi na bago ‘yan para sa mga taong nakakakilala sa kanya, lalo na ang mga kababayan niya, nu’n pa man, e, palagi na siyang topic sa mga kuwentuhan dahil totoo namang napakalaki ng ipinagbago niya!

“Mahirap din ang ganu’n, parang masyado nang nalulunod sa kung anumang kayamanang meron sila ngayon!” madiing paglalarawan ng aming source.

Totoo ang pananaw ng iba, sa itsura pa lang kasi ng female celebrity ay parang napakamaldita na niya, kaya siya nahuhusgahan.

Patuloy na chika ng aming impormante, “E, di nga ba, hindi rin naman siya kasundo ng parientes ng husband niya?

Kasi nga, e, hitsura siya ng doberman sa pagbabantay sa mister niya kapag may mga lumalapit na kamag-anak nila para humingi ng tulong!

“Mismo! Magaling lang siya sa angkan niya, pero sa partido ng husband niya, e, maramot ang girl! E, hindi naman siya ang dahilan kung bakit sila naging mayaman, di ba?

“Kaya ‘yung mga ginagawa niyang pagmamayabang ngayon tungkol sa mga branded stuff niya, e, hindi na bago! Dati na siyang ganyan mula nu’ng magkaroon na sila!

“Napakahilig pa naman niyang mag-selfie! Lahat na lang yata ng anggulo ng bahay nila, e, napagparetratuhan na niya! Ganu’n siya, kasi nga, e, ngayon pa lang naman siya nakakatikim ng kaginhawahan sa buhay!

“Pak na pak na ang mga kuwento, Bradly Guevarra, Jon at Ching Bautista Silverio, kayang-kaya n’yo nang hulaan kung sino ang babaeng itey!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending