'Hindi pagiging ingrata ang payo ni Marian sa traffic crisis' | Bandera

‘Hindi pagiging ingrata ang payo ni Marian sa traffic crisis’

Cristy Fermin - October 15, 2019 - 12:45 AM

MARIAN RIVERA AT ZIA DANTES

Gustung-gusto namin ang TVC ng mag-inang Marian Rivera at Zia para sa isang sikat na fast food chain. Simple lang, pero tumatagos sa puso, palaging ganu’n ang tema ng mga commercials ng nasabing food chain.

Lumalaking napakaganda ni Zia, maganda ang resulta ng kumbinasyon nina Marian at Dingdong Dantes, may mga nagkukuwento rin sa amin kung gaano ka-PR ang dalaginding ng mag-asawa.

Kuwento ni Manay Lolit Solis, “Very approachable si Zia. Hindi siya tulad ng ibang bata na mailap sa tao. ‘Yung iba, e, kailangan pang sabihan ng yaya nila na magbeso.

“Pero si Zia, palagi siyang nakangiti, ma-PR siya, hindi na kailangan pang sabihan ng yaya niya ng dapat niyang gawin,” sabi ni Manay Lolit.

Bina-bash ngayon si Marian dahil sa naging komento niya nang matanong tungkol sa nakaiinis na kundisyon ng traffic ngayon. Paulit-ulit naming binasa ang kanyang komento pero wala kaming makitang dahilan para magalit sa kanya ang ibang tao.

Tama naman ang kanyang mga sinabi na para maaga tayong makarating sa ating destinasyon ay tayo na ang mag-adjust. Umalis tayo nang maaga para hindi tayo ma-late.

Wala naman talaga tayong magagawa sa ngayon kundi ang unawain na lang ang matinding traffic, hindi naman tayo kailangang maglupasay sa kahabaan ng punumpuno ng sasakyang EDSA para ilantad ang ating galit, kaya para hindi tayo maapektuhan ay tayo na ang kailangang gumawa ng positibong hakbang.

Nasaan ang pagiging matapobre sa kanyang sinabi, bakit naging ingrata si Marian Rivera, samantalang nagbigay lang naman siya ng sarili niyang opinyon tungkol sa nakabuburyong na traffic?

Lahat ay biktima nang matinding traffic, puro buntong-hininga na nga lang ang magagawa natin dahil sa parang wala nang paggandang kundisyon ng traffic sa ating bayan, sa totoo lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending