Lani sa Clasher na nag-ala Barbra Streisand: Wow, ang galing mo!
BILIB ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha sa isa sa mga contestants ng The Clash na si Janina Gonzales dahil sa “passion” nito sa kanyang pagkanta ng awiting “New York State of Mind.”
Natuwa si Lani sa kuwento ni Janina na isang Law student at kahit na nga abala sa pag-aaral, naglalaan pa rin ito ng oras para lalong humusay sa larangan ng musika.
Papuri ni Lani sa kanya, “The first time I heard that song, ang nag-perform si Barbara Streisand. Sabi ko, ‘wow.’
Siyempre, favorite ko rin siya. Gandang-ganda ko sa song na ‘yon, and ayan kinanta mo. Sabi ko, ‘wow, napantayan mo ‘yung expectation ko. That was really, really nice.”
Subaybayan ang journey ng mga natitirang Clashers tuwing Sabado at Linggo sa The Clash sa GMA 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.