Kontrobersyal na aktor babaratin ang talent fee; kailangang ibenta ang sarili | Bandera

Kontrobersyal na aktor babaratin ang talent fee; kailangang ibenta ang sarili

Cristy Fermin - October 14, 2019 - 12:05 AM

MAHIRAP magbenta ng sarili kaya kumukuha ng manager ang mga artista. Ang manager ang namamahala sa paghanap ng kanilang mga proyekto, sila ang nakikipag-usap sa mga prodyuser, komisyon ang tanging kompensasyon ng manager.

Pero may mga personalidad na nanghihinayang sa kinakaltas na komisyon ng mga namamahala sa kanilang karera, gusto nilang kumita, pero ayaw naman nilang nababawasan ang kanilang talent fee.

Kuwento ng isang source, “Parang si kuwan! Malakas siyang kumita, milyones ang tinatanggap niya, pero kapag nagtutuusan na sila ng manager niya, e, parang masamang-masama ang loob niyang makita na malaki rin ang commission ng manager niya!

“Teka lang muna naman! Kung malaki ang TF niya, natural, du’n din kukuha ng komisyon ang manager, di ba? Depende sa amount kung magkano siyang naisalya ng manager niya!

“Kung maliit lang ang TF niya, e, di maliit na commission lang din ang mababawas sa kanya! Nakakaloka ang young male personality na ‘yun!

“Gustung-gusto niyang kinukubra ang milyones niya sa opisina ng manager niya, pero kapag nakita na niya ang nabawas sa kinita niya, e, nagbabago na ang anyo niya!

“Bakit kasi kumukuha pa siya ng manager? E, di siya na lang sana ang magbenta sa sarili niya? Wala nang kukuha ng commission kapag ganu’n, solo na lang niya ang kikitain niya!” unang chika ng aming impormante.

Dahil sa sobrang panghihinayang sa komisyong kinukuha ng kanyang manager ay nagdesisyon ang young male personality na umalis na sa kuwadra ng namamahala sa kanyang career.

Balik-chika ng aming source, “Tingnan lang natin ngayon kung makakaya nilang ibenta ng father niya ang sarili niya sa mataas na presyo!

“Tingnan natin kundi siya barat-baratin ng mga ka-transaction nila! Magaling lang mag-manage ang inalisan niyang production, kaya siya kinukuha sa presyong malaki!

“Ewan nga ba sa mag-amang ‘yan! Gusto nilang kumita nang malaki, pero ayaw naman nilang ibigay ang para sa humanap ng trabaho para sa kanila!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naku, Bradly Guevarra, Jon at Ching Bautista Silverio, favorite color n’yo pa rin ba ang pula?” inis na pagtatapos ng aming impormante.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending