Mag-tiyuhin dakip sa P4.7M shabu | Bandera

Mag-tiyuhin dakip sa P4.7M shabu

John Roson - October 12, 2019 - 08:55 PM

ARESTADO ang isang lalaki at kanyang pamangkin nang makuhaan ng aabot sa P4.7 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Iriga City, Camarines Sur, Sabado ng umaga.

Nadakip si Ramir Baraguir Modin, 43, at pamangkin niyang si Guiamel Manamden Abdul Kadir, 36, kapwa taga-Paranaque City, ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency Camarines Sur.

Isinagawa ng mga tauhan ng naturang PDEA unit, pulisya, National Bureau of Investigation, at military intelligence operatives ang buy-bust sa Zone 6, Brgy. San Isidro, dakong alas-9.

Dinampot ang mga suspek nang ibenta nila ang dalang shabu sa poseur-buyer.

Nakuhaan ang mga suspek ng dalawang pakete na may aabot sa 700 gramo ng hinhinalang shabu, P1,000 papel at tatlong bungkos na pekeng perang ginamit sa buy-bust, at isang cellphone.

Nasa kostudiya na ng PDEA Camarines Sur ang mga suspek habang hinahandaan ng kaukulang kaso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending