Sikat na beking celeb babaeng-babae ang feeling sa kandungan ng maalagang BF | Bandera

Sikat na beking celeb babaeng-babae ang feeling sa kandungan ng maalagang BF

Cristy Fermin - October 13, 2019 - 12:30 AM

NAPAKALAKI na ng ipinagbabago ngayon ng ikot ng personal na buhay ng isang sikat na becki personality. Malaking-malaki na dahil sa bago niyang karelasyong male personality.

Dati kasi ay mahilig ang becki personality na ito na magyaya ng kanyang mga kaibigan sa bahay niya.

Pinapupunta rin niya du’n ang mga kaibigan niyang basketball players.

Bonggang-bongga ang mga lafang kapag nagpupuntahan sa kanyang bahay ang mga kaibigan niya.

Madalas niyang gawin ang ganu’n, dalawang beses sa isang buwan, pero ngayon ay wala nang ganu’n.

Kuwento ng aming source na kaibigan ng sikat na becki personality, “Mahigpit ang boyfriend niya ngayon, madisiplina. Kesa nga naman sa mag-invite pa siya ng mga friends sa bahay niya, e, mas magandang ipahinga niya na lang ang bakante niyang oras.

“Ang katwiran ng male personality, e, sobra-sobra ang mga trabaho niya, palagi siyang pagod at puyat, kaya kailangang bumawi siya ng pahinga. Mahigpit ‘yung guy, dinidisiplina talaga siya,” kuwento ng kaibigan ng sikat na becki personality.

Maligaya raw ngayon ang becki personality dahil ang feeling niya ay babaeng-babae siya sa mga ginagawa ng kanyang boyfriend. Ganu’n daw ang gusto talaga ng becki, ang ginagawa siyang babae,
ayon pa sa aming source.

Patuloy na chika ng aming source, “Pinakagusto niya talaga ‘yung ginagawa siyang babae sa relasyon.

Ganu’n naman talaga ang type ng mga berdaderong becki, di ba, ‘yung ang pakiramdam nila, e, babaeng-babae sila?

“‘Yun mismo ang nararamdaman ngayon ng lola n’yo, girl na girl siya, kasi nga, e, alagang-alaga siya ng boyfriend niya!

“Puro naman para sa kanya ang paghihigpit ng guy, instead na gamitin niya ang time para sa ibang tao, e, sa sarili na niya, di ba?

“Bakit nga naman, araw-araw sa TV ang becki personality, may ginagawa pang movie, tapos, ang dami-dami pa niyang concerts dito at sa iba-ibang bansa! Pagod na pagod siya, kaya ganu’n na lang ang pag-aalaga sa kanya nu’ng boyfriend niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang ganda-ganda niya, di ba? Ang haba-haba ng hair niya, kasi, babaeng-babae ang turing sa kanya ng boyfrirend niya! Inaalagaan talaga siya ng escort niya on and off camera!” bigay na bigay nang pagtatapos ng aming impormante.

Ewan na lang kung may magkakamali pa sa inyo n’yan, Bradly Guevarra at Jon and Ching Bautista Silverio, siguradong hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending