Carla enjoy na enjoy sa pagiging vlogger
Mukhang enjoy na enjoy ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa kanyang pagba-vlog sa sariling YouTube channel.
Three months ago nang unang i-upload ni Carla ang kanyang first-ever video kung saan ipinasilip niya ang naging guesting sa Sunday PinaSaya at ngayon ay mayroon na siyang 139K subscribers.
Sa latest YouTube video niya, nakiuso si Carla sa ‘What’s in My Bag?’ challenge at umani agad ito ng 104,000 views.
Kasama ang boyfriend at fellow Kapuso star na si Tom Rodriguez, aliw na aliw si Carla sa pag-maintain ng channel niya kahit busy sa taping ng kanyang upcoming series sa GMA na Love of My Life. Bukod kay Tom, makakasama rin niya sa serye sina Coney Reyes, Rhian Ramos at Mikael Daez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.