Mega: Ibang-iba na ang showbiz ngayon...ayokong magpalamon! | Bandera

Mega: Ibang-iba na ang showbiz ngayon…ayokong magpalamon!

Reggee Bonoan - October 13, 2019 - 12:05 AM

REGINE VELASQUEZ AT SHARON CUNETA

PAKIWARI namin isa sa mga dahilan kung bakit gusto nang mag-retire ni Sharon Cuneta sa showbiz ay dahil hindi na niya masakyan ang kalakaran ngayon sa industriyang kinalakihan niya.

Naikuwento niya sa ginanap na presscon ng “ICONIC” , ang nalalapit na concert nila ni Regine Velasquez, “Iba na ang meaning ng loyalty, iba na ang meaning ng friendship, iba na meaning ang maraming bagay, iba na ang pagpapatakbo.

“Ang layu-layo sa kinalakihan ko na parang Pasko kapag may premiere night, mapi-feel mo sa air, mapi-feel ng fans mo, ngayon, parang ang dami-daming tao na hindi mo na kilala or hindi ka na kilala.

“Kasama na roon ‘yung disappointment na it’s not the same, kumbaga I don’t want to be eaten up by showbiz. Ayokong kainin sistema and I’m proud to say na I’ve never been eaten by the system; my soul is so intact,” ang una niyang paliwanag.

Pero ang pinakadahilan din kung bakit gusto na ring mag-lie low ng Megastar sa showbiz ay dahil napapagod na siya, 41 years na nga naman siyang nag-aartista at kumakanta.

“Kasi tao lang, nagsimula ako 12 (years old), ang retirement age sa Amerika 55 ba? Doon kapag nagsimula ka ng in your 20’s, di ba? Ako 12 palang nagwo-work na, tapos 15 walang patumangga ‘yung mga puyat sa pelikula, dire-diretso may TV show pa, hindi ko nga alam paano ko nagawa ‘yun.

“Tapos nagko-concert pa, tapos may weekly show na live, magso-shoot ka ng music video for the opening tapos may production numbers pa,” katwiran ni Sharon.

Pero inamin din naman niyang masaya siya ngayo dahil sa loob ng matagal na panahon ay natupad na rin sa wakas ang pangarap niyang makasama sa isang concert si Regine bago siya magretiro.

“It’s one of the last few concert na I’m going to do, iba pa ‘yung tour-tour sa States show, ha. Isa ito sa pinaka-special (ICONIC) kasi ilang taon kong hinintay na makasama si Regs na back-to-back on stage, it’s a first time to do it on stage with a woman, a singer na ganyan kagaling na respetado, so for me for sure, very emotional. It’s a big factor na kaibigan mo ‘yung kasama mo, genuine at sincere ‘yung love ko kay Regs,” mahabang pahayag ni Mega.

Pero mukhang hindi rin siya pinapayagang magretiro ng kanyang manager na si Sandra Chavez dahil punumpuno pa ang calendar ni Sharon hanggang 2020 kaya nasabi niya during the presscon na mag-uusap mula sila dahil may mga gusto siyang ibawas.

Samantala, natanong naman si Regine kung ano ang reaksyon niya sa semi-retirement ng idolo niya.

“Hindi ko nga siya pinapansin, dinededma ko siya kasi baka mag-rally ako sa bahay nila kasama ang Sharonians. Hmmp, itong si Ate!

“But I totally understand because she’s been in the industry for a long time. You know when you come to this point of your life, you want to give your life naman to your family. Kasi ganu’n din ako, parang gusto mong mag-concentrate sa family.

“Nakakalungkot, parang hindi mo ma-imagine ang industry na walang Sharon Cuneta,” sabi pa ng Songbird.

Samantala, pawang hit songs ang repertoire sa “ICONIC” concert ng Megastar at ng Songbird kung saan ang magiging musical director ay sina Raul Mitra at Louie Ocampo habang si Rowell Santiago naman ang magsisilbing stage director.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang producer ng concert ay ang iMusic Entertainment, NY Entourage Productions at Artist House. Ilan sa mga sponsors ay ang PLDT, Family Rubbing Alcohol, Manila Bankers Insurance, San Miguel Corporation at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending