Namatay na tatay ni Roxanne Barcelo nagpakita sa stage ng TNT sa Showtime

By Cristy Fermin October 12,2019
share this

Namatay na tatay ni Roxanne Barcelo nagpakita sa stage ng TNT sa Showtime

By Cristy Fermin October 12,2019
share this

ROXANNE BARCELO

Ipinapanood sa amin ni Japs Gersin ang video ng performance ng nagkokontrabidang si Roxanne Barcelo sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime.

Siya ang nanalo nu’ng araw na ‘yun at karapat-dapat lang namang siya ang panalunin ng mga hurado dahil napakagaling ni Roxanne.

Halos perfect ang pagkakanta ng magandang aktres, flawless ang kanyang diction, mapuso rin ang kanyang rendisyon na tumatawid sa mga nanonood-nakikinig sa kanyang atake.

Naging emosyonal ang dalaga nang maalala niya ang kanyang namayapang ama nu’ng nakaraang June lang, kapag kumakanta raw kasi siya ay ang kanyang daddy lang ang matiyagang nakikinig sa kanya, naluha rin tuloy ang mga hurado sa kanyang kuwento.

Nakilala na namin ang kanyang mga magulang nu’ng nagsisimula pa lang siyang mag-artista, low key ang kanyang ama’t ina, isinakripisyo nila ang kanilang napakagandang trabaho sa World Bank para tuluyan nang manirahan sa Pilipinas.

Pero mas nakakikilabot ang kuwento ng kanyang ina, sabi ni Mommy Rose Barcelo, habang kumakanta raw si Roxanne sa It’s Showtime ay parang nakita nito ang kanyang mister sa mismong entablado.

Hindi imposibleng mangyari ang ganu’n lalo na’t ilang buwan pa lang na pumapanaw ang ama ni Roxanne.

Siguradong masayang-masaya ang kanyang daddy sa pananalo niya.

Magaling na siyang aktres ay mahusay pang kumanta, sayang lang dahil maraming panahon na ang lumipas na pag-arte lang ang naipakita ni Roxanne Barcelo, hindi niya masyadong naipatikim sa ating mga kababayan ang ganda ng kanyang boses.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending