Ellen unang napili para sa ‘Killer Bride’ ni Maja?

By Julie Bonifacio October 10,2019
share this

Ellen unang napili para sa ‘Killer Bride’ ni Maja?

By Julie Bonifacio October 10,2019
share this


NAUNANG ginawa ni Maja Salvador ang first digital original series ng ABS-CBN’s global content platform na The Filipino Channel at Philippine streaming service na iWant, ang Hinahanap-hanap Kita kesa sa The Killer Bride.

Gagampanan niya rito ang karakter ni Helen na isang matalinong babae na maraming pangarap.

“Pero dumating ang panahon nu’ng na in-love siya kay Troy, ang pinili niya ay magkaroon ng isang masaya at mapagmahal na kapamilya,” kuwento ni Maja.

Isinantabi ni Helen ang kanyang mga pangarap para sa kanyang pamilya. Hanggang kinailangang pumunta sa ibang bansa ni Troy para naman sa kanyang pamilya.

Ang Hinahanap-hanap Kita ay eight-episode series na tumatalakay sa highs and lows ng buhay ng mga OFW at kung paano nila pinaglalabanan ang hirap at lungkot sa foreign land as they pursue life.

Kasama rin ni Maja sa digital series na Hinahanap-hanap Kita ang leading man niya sa Kapamilya primetime series The Killer Bride, si Geoff Eigenmann, “Ito po ang audition namin,” pahayag ni Maja.

“Kaya po kami napansin pati ng mga writer namin, oo. Eto’ng nauna po. March namin ito ginawa.”

Habang nasa Dubai daw sila ay kinukulit na niya ang BUH (business unit head) nila sa Hinahanap na si Roda dela Cerna, “Nag-a-apply ako sa kanya sa The Killer Bride. Tapos ang sinasabi nga po nila, ‘Meron ka ng ibang serye,’ oo. Tapos sinasabi ko sa kanila, ‘Mukhang okey po talaga diyan.”

After one month, parang March daw sila nag-shoot at bandang May siya nag-audition, “Pasok po ako sa Killer Bride. Si Geoff, nag-uusap na kami noon. Sabi ko, ‘Huy, Kuya, may serye ka na raw pag-uwi ng Manila.’ Sabi kong ganyan. ‘Nag-audition nga ako doon, e.’ Pero, hindi niya alam, hindi nila alam na nakapasa na nga ako.”

Sinorpresa raw niya si Geoff. Kaya tuwang-tuwa raw ang leading man niya sa The Killer Bride.
Pagkatapos ay humirit si Maja sa BUH nila kung pwede niyang sabihin kung sino ang first choice bilang bida sa The Killer Bride. “Hindi na? Huwag daw po, e,” tanggi ng aktres. Pero hindi rin siya nakatiis at nagbigay ng clue sa amin.

“Pero kaso nga lang po may anak na siya ngayon. Gusto niyang mag-focus muna sa anak niya,” pa-blind item pang sabi ni Maja.

Si Ellen Adarna ba ‘to, tanong namin kay Maja, “Hindi. Hindi siya. Ha-hahaha!”

Hmmm, hindi kaya ito ang isa sa mga dahilan kaya gustong bumalik sa pag-arte ni Ellen na pinalagan naman daw ni John Lloyd Cruz? Baka nga ito ang isa sa mga rason kaya balitang nag-away ang dalawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending