Sino ang gustong makahalikan ni Drew sa serye, pelikula?

By Jun Nardo October 10,2019
share this

Sino ang gustong makahalikan ni Drew sa serye, pelikula?

By Jun Nardo October 10,2019
share this


NON-STOP ang biyahe ni Drew Arellano bilang Kapuso travel host. Imagine, 14 years and counting na siya sa network dahil kari-renew niyang muli ng kontrata nitong nakaraang araw.

Patuloy siyang namamayagpag bilang host ng Biyahe Ni Drew at AHA!. Pero bago nakilala bilang host, nasubukan na niyang umarte kaya ang tanong namin sa kanya, bakit hindi niya na ito ipinagpatuloy?

“Siguro kapag susundan mo ‘yung gusto mong masaya ka, ‘yon ang susundan mo. Siguro sa akin, naging masaya ako na maging host, may hawak na microphone and being mysef is the best natural thing to do.

“For me, pagdating sa pag-aarte, parang hindi, eh. It’s not really for me. Hindi naman sa natatakot akong umarte. Actually gusto ko ngang magkaroon ng kissing scene sabi ko sa asawa (Iya Villania) ko.

“Sa kanya din (halikan)! Sa kanya din naman! Ha! Ha! Ha! Hindi naman niya ako pinigilan She’s very supportive! I’m always open minded.

“Malay mo! Kapag lumaki ang mga anak ko, kakayanin ko!” pahayag ni Drew sa mediacon ng contract renewal niya sa Kapuso Network.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending