Betong may solo concert na sa Music Museum

By Ervin Santiago October 10,2019
share this

Betong may solo concert na sa Music Museum

By Ervin Santiago October 10,2019
share this


ISANG gabing puno ng saya at musika ang ihahandog ng Kapuso comedian na si Betong Sumaya para sa kaniyang fans!

Ngayong Nob. 21 na hahataw ang first-ever concert niyang “Betong’s Amazing Concert: Try Ko Lang Ha?” sa Music Museum. Bukod sa pagiging komedyante at host, kilala rin si Betong bilang isang mahusay na singer.

Nakasama siya sa naganap na Studio 7 Musikalye sa Brooklyn noong Mayo at pumirma ito bilang isang talent ng GMA Music nito lang Hulyo. Handang-handa na siyang magpasaya kaya abangan ang iba pang updates tungkol sa ticket prices sa official social media pages ng GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending