IPAPATUPAD ang total deployment ban sa South Sudan bunsod ng patuloy na kaguluhan sa nasabing bansa.
Hindi na muna magpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa naturang bahagi ng Africa.
Ang desisyon na magpatupad ng total deployment ban ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay kasunod ng pagdeklara ng Department of Foreign Affairs ng alert level 4 sa naturang bansa dahil sa paglala ng sitwasyon.
Napagkasunduan ng governing board ng Philippine Overseas Employment Administration na pinamumunuan ni DOLE Sec. Silvestre Bello III, na magpatupad ng total ban sa mga OFWs na nagnanais na magtungo para magtrabaho sa nasabing bansa.
Unang nagdeklara ng alert level 2 ang DFA sa South Sudan, at itinaas sa level 4 bunga nang tumitinding labanan ng mga puwersang tapat kina President Salva Kiir at Vice President Riek Machar
Sa ilalim ng resolusyon, sa kumpirmasyon ng DFA na ang South Sudan ay hindi compliant sa pagrepaso ng post certification sa ilalim na rin ng section 3 ng RA 10022 bunsod na rin ng kaguluhan sa nasabing bansa.
Sa ilalim ng RA 10022 , kinakailangang magpalabas ng sertipikasyon ang DFA alinsunod na rin sa deployment ng mga filipino workers sa ibang bansa.
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.