Panelo sa mass transport crisis: Wala, kasi makakarating pa naman sa pupuntahan
IGINIIT ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na wala namang mass transport crisis sa Metro Manila.
“Wala. Kasi nga makakarating pa naman ‘yung mga dapat makarating sa kanilang pupuntahan,” ayon ka Panelo.
Sa isang briefing idinagdag ni Panelo na mula sa araw-araw, naging isang beses na lang kada linggo ang aberya sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3).
“Dati-rati halos araw-araw nagba-bog down. Ngayon once a week na lang. So, ang laki ng improvement,” sabi ni Panelo.
Pinayuha pa ni Panelo ang mga pasahero na maagang umalis ng bahay.
“Eh, may solusyon naman doon eh. If you want to go… arrive early in your destination, then you go there earlier,” ayon pa kay Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.