Maine may hugot sa mga pipi at bingi; napa-throwback dahil kay Jake Cuenca | Bandera

Maine may hugot sa mga pipi at bingi; napa-throwback dahil kay Jake Cuenca

Jun Nardo - October 08, 2019 - 12:32 AM

MAINE MENDOZA

BINIGYANG-LINAW ni Maine Mendoza sa kanyang Twitter account ang karaniwang misconception ng publiko tungkol sa mga taong bingi o deaf.

Ibinahagi niya sa kanyang followers ang tamang tawag sa mga taong may kapansasanan sa pagdinig.

“DEAF PEOPLE HAVE VOICES but many prefer to sign (using FSL: Filipino Sign Language) because it is their first language and their right. The term deaf mute is not right dahil HINDI PO SILA PIPI,” bahagi ng tweet ni Meng.

Ayon sa ipinost niyang deaf-friendly terms, maling tawagin na deaf-and-dumb, deaf-mute, pipi at hearing-impaired ang taong may kapansanan sa pandinig.
Tama raw gamitin ang mga term na deaf at hard of hearing.
Ang paliwanag ng Dubsmash Queen tungkol dito ay may kinalaman sa kanyang character sa movie nila ni Carlo Aquino na “Isa Pa With Feelings.” May konek din ito sa role ni Carlo na isa ring PWD.

Samantala, nahalukay naman ni Maine ang isa niyang tweet kaugnay ng pagkakilig niya kay Jake Cuenca siyam na taon na ang nakararaan.

“Jake Cuenca is making me so kilig,” tweet ng Phenomenal Star noong Jan. 4, 2010.
Eh, magkasama ngayon sa pelikulang “Mission Unstopabol” sina Manine at Jake at sa Twitter ay ipinost nga niya ang litrato nila ng aktor.

“Hindi ko din alam kung ano meron 9 years ago pero nakakatuwa lang isipin na makadaupang-palad ko siya ngayon.

“Abangan niyo nalang kami sa Mission Unstapabol sa December 25! #earlypromotion char,” mensahe pa ni Meng.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending