Sarah aso ang partner sa Unforgettable: Masarap, liberating ang feeling! | Bandera

Sarah aso ang partner sa Unforgettable: Masarap, liberating ang feeling!

Ervin Santiago |October 08,2019
facebook
share this

Sarah aso ang partner sa Unforgettable: Masarap, liberating ang feeling!

Ervin Santiago - October 08, 2019 - 12:08 AM

Samantala, dream come true para sa girlfriend ni Matteo Guidicelli ang pagbibida sa isang dog movie conceptualized and co-directed by the multi-awarded and internationally acclaimed director Jun Lana and award-winning filmmaker Perci Intalan.

Makakasama ni Sarah rito ang super intelligent na aso na si Milo, ang Jack Russell Terrier na bumida na sa napakaraming viral videos kaya naman superdog na ring matatawag ang nasabing aso. Napanood na rin si Milo sa MMFF entry ni Vice Ganda na “Fantastica”.

Sa “Unforgettable” gagampanan ni Sarah ang karakter ni Jasmine, isang dalaga na tutungo sa Baguio para dalhin ang wonder dog niyang si Happy sa kanyang lola na may sakit. Naniniwala siya na si Happy ang “gamot” para gumaling ang kanyang lola tulad ng ginawa nitong “himala” sa kanya.

Ano ang feeling na aso ang partner niya ngayon sa pelikula? “Masarap, liberating ang pakiramdam kasi you’re not depending on a leading man. Talagang nagba- bank ka doon sa istorya itself at sa script also.”

Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ni Sarah na super professional si Milo bilang artista, “Wala po kaming naging problema na ganu’n, nakakagulat nga kasi napaka-focused niya.

“Nakakagulat kasi first time na sinabi ng trainer niya while we are doing a scene ‘focus Milo, focus’ talagang focused talaga at every time, ‘yun ang binibigay big focus. Professionalism, ‘di ba? ‘Yung aso professional, nahiya nga me, eh,” chika ni Sarah.

Mahilig talaga sa aso si Sarah kaya hindi na siya nag-effort para mas maging natural ang mga eksena nila ni Milo,

“Medyo kakaiba po ‘yung role, first time ko gumawa ng ganitong klaseng role pero it’s something na talagang close to my heart kasi malapit siya sa puso ko for some reason.”

Isa pa sa challenge na hinarap ni Sarah sa movie ay ang pagsusuot ng isang damit sa kabuuan ng shooting,

“Especially ‘yung weather po, mga times na uulan, biglang, uulan tas biglang iinit. Ako pa, kasi kahit sobrang init, isa lang ang damit ko, lagi ako naka cardigan doon so medyo challenge ‘yun. Pero okay lang kasi gustong-gusto ko ‘yung ginagawa ko.”

Ang isa pa sa dapat abangan sa movie ay ang special appearance ng mga sikat na celebrities tulad nina Regine Velasquez, Anne Curtis, Cherie Gil, Tirso Cruz III, Yayo Aguila, Ara Mina, Kim Molina, Meg Imperial at Gina Pareño.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bilib na bilib naman si Direk Jun Lana sa bagong ipinakita ni Sarah sa “Unforgettable” kaya umaasa siya na kahit walang leading man ang dalaga sa pelikula ay tatangkilikin pa rin ito ng milyun-milyong Popsters.

Showing na ang “Unforgettable” sa mga sinehan nationwide sa Oct. 23 under Viva Films.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending