Palasyo tiniyak na maayos ang kalusugan ni Duterte
SINABI ng Palasyo na maayos ang kalusugan ni Pangulong Duterte matapos namang niyang ihayag ang pagkakaroon ng neuromuscular illness.
Sa isang briefing, inamin ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na narinig lamang din niya ang sakit ni Duterte sa kanyang talumpati nang dumating sa bansa matapos ang biyahe mula sa Russia.
“Malamang okay. What he complained about was he wasn’t able to sleep during the flight. Sabagay hindi lang naman siya, ako rin. Marami sa amin,” sabi ni Panelo nang tanungin kung maayos ang lagay ng pangulo.
Idinagdag ni Panelo na masigla naman si Duterte nang humarap sa media nang dumating sa Davao City noong Linggo.
“He was well, when he met the reporters. He was up and about.
Samantala, sinabi ni Panelo na wala siyang impormasyon kaugnay ng pagkakaroon ng ng dengue bunsong anak ni Duterte na si Kitty.
“Nabasa ko lang ‘yung text sa akin, nagtatanong—Wala pa akong sa—wala pang sagot sa text ko,” ayon pa kay Panelo.
Sinabi rin ni Panelo na hindi naman nagmadali si Duterte para makabalik agad sa Pilipinas matapos ang biyahe sa Russia.
“Hindi naman rushing back dahil dati namang schedule ‘yun eh. Per schedule kami bumalik eh,” sabi pa ni Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.