Julia: Akala nila ako ang laging nananakit sa lalaki, pero ako ang laging sinasaktan

By Julie Bonifacio October 07,2019
share this

Julia: Akala nila ako ang laging nananakit sa lalaki, pero ako ang laging sinasaktan

By Julie Bonifacio October 07,2019
share this

NATIGILAN si Claudia Barretto when asked about her comment sa napabalitang kalagayan ng kanyang tiyahin na si Claudine Barretto.

Nasulat kasi na may isang concerned friend si Claudine na nababahala sa lagay ng emosyon ngayon ng aktres.

“Well, I don’t really know much about her condition. So, I don’t really have a comment on that,” ani Claudia.

Natanong ang singer tungkol sa kalagayan ng kanyang Tita Claudine nu’ng mabanggit ang kanyang mental health campaign called Mind Games sa presscon ng Las Islas Music Festival recently.

“It is a mental health awareness campaign. It’s online, and, it’s gonna be promoted through the use of art, specifically, music. So, we’ve been working on content that will bring together and marry the two, music and bringing awareness on mental health,” paliwanag niya.

Passionate daw kasi siya about mental health at gusto niyang maging boses ng mga taong dumaraan sa ganitong karanansan. Inamin ni Claudia na maging siya ay nagkaroon ng issue about mental health.

“I’ve had my own experiences, people will hear more about it when we release more content,” aniya.

Tinanong din si Claudia kung gaano kahirap ang pinagdaanan niyang “battle”, “Well, personally I think it’s important to really understand, it’s important to have a really strong support system to understand you,” sabi niya.

Dagdag pa ni Claudia, “Because it’s such a personal experience, I had to really manage through it by seeking help and, just being honest with myself about these experiences.”

Nagpatingin din daw si Claudia sa doktor regarding her mental problem, “Yes, I think, if you are at that point in your life you shouldn’t be ashamed of seeking help. It’s really, really important.”

Todo-suporta naman sa kanya ang parents niyang sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla, “They just listen to me. They’re just there for me. But, more than anything, because I’m putting something like this…it’s only starting to be talked about it here in the country, uh, my family has been very supportive . And they’re willing to do anything that it takes, to the project.”

Anyway, isa si Claudia sa mga artist na magpe-perform para sa Las Islas Music Festival which aim to reach out and bring Pinoy music and talents all over the country – one island at a time.

Bukod kay Claudia, magpe-perform din sa Las Islas Music Festival sina Bugoy Drillon, Daryl Ong, Sam Mangubat, Ken San Jose, Jade Riccio at ang Pinoy-Singaporean group na 1NEBAZE consisting of siblings Haidez, Sor, Joong and Baby G.

Magsisimula ang tinawag na widest Pinoy music festival sa Panaad Stadium sa Bacolod on Oct. 25. Susunod sa Barotac Nuevo Plaza, Iloilo on Oct. 26 and Aklan Sports Complex on Oct. 27.

q q q

After ni Claudia, ang “ate” naman niyang si Julia Barretto ay nagkaroon ng one-on-one tsikahan sa best friend niyang si Erich Gonzales. Maraming ni-reveal si Julia tungkol sa kanyang lovelife.

Una, tungkol sa plano niya na magpakasal bago umabot sa edad na 30. True daw ‘to pero meron daw siyang magkaibang thoughts about getting married.

Meron din daw siyang pace na mas gusto ko na lang muna ng anak bago magpakasal. Dream daw talaga ni Julia ang maging ina.

“But, no judging. Don’t judge. ‘Coz sometimes, I feel marriage. May mga time naman I believe on marriage. Pero kung ikakasal ako, sana talaga before 30,” aniya.

Second, if true or false na pwede siyang makipagkaibigan muli sa kanyang ex-boyfriend? “Aww! True ako. Siguro I don’t like carrying anger, bitterness or some angst towards somebody na minahal mo. Na pinasaya rin naman ako, na inalagaan ako at inalagaan ko rin, at minahal ko rin.”

Sabi pa ni Juia, “You meet somebody one day and then, they’ll come here everyday. And then, one day, magiging hindi na kayo. Parang it’s a sad thought to me. So, to me, parang protect the friendship that we are able to build.”

Third, if Julia is a heartbreaker?

“Wow! False,” sagot agad ni Julia kay Erich.

Pagkatapos, inulit pa ni Julia na false ang taguri sa kanya na heartbreaker, “E, kasi, ‘yan parati ang tingin ng mga tao sa akin. Ako ‘yung palaging nananakit. Well, in fact, ako ‘yung palaging nasasaktan. Ako, when I love, I love 100 percent with all my heart, with all my mind. Grabe po ako magmahal.

“Tapos, kahit na sinasaktan ako, forgive. Pero lahat kasi ng tao, may sagad tayo, e. May hanggangan tayong lahat. Kaya minsan ‘pag nasasaktan na ako, patuloy pa rin akong sinasaktan,” lahad pa ni Julia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending