Kilalang female celeb mas piniling magdyowa ng tibo

By Alex Brosas October 07,2019
share this

Kilalang female celeb mas piniling magdyowa ng tibo

By Alex Brosas October 07,2019
share this


INAABANGAN namin ang pag-amin ng isang female star na she’s in a relationship sa isang tibo.

Hiwalay na sa kanyang husband ang female singer at mas pinili nito ang makasama ang kanyang tibong lover na hindi mo mapagkakamalang tomboy dahil hindi naman ito nagdadamit lalaki at hindi umaastang guy.

Actually, matagal nang natsitsismis na may pagkatibo ang singer matapos lumabas ang isang babae who claims na nakarelasyon niya ang mang-aawit.

May project ngayon ang singer kaya inaabangan namin ang pasabog niyang pag-amin na she’s in a happy relationship with a tomboy.

q q q

Disappointed ang ex-Pinoy Big Brother housemate na si Fumiya Sankai sa pamba-bash ng fans niya sa ibang tao.

“I heard my fans bashing other people. So sad. I like my basher Pero I don’t like my fans bashing to someone, di ba? So sad taraga,” tweet niya.

“If someone bashing me, just ignore! If you bashing again to them. It will get worse, di ba!” dagdag niyang tweet.

Marami naman ang na-happy sa tweet niyang iyon.

“Yes Fumi they are bashing you and your solid supporters. Sana magstop na talaga sila. We are trying din not to bash others pero it’s mahirap sometimes lalo kung ikaw at kami ang binabash.”

“It’s about time you speak out your thoughts Fumi. Some tend to be two-faced followers. I’d like to understand them though, maybe they just love you too much. But as fans we must know our limits. We must uphold our values. I’m just pleased that there are those who are true.”

“Nakakasakit sa heart makabasa ng mga bashing maharrrr but mas marami ang mas mahal ka and totoo ang pagmamahal sayo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending