Nasirang rosaryo ni Alden na regalo ng fan, napalitan ng Sto. Niño mula sa ka-look alike na pari | Bandera

Nasirang rosaryo ni Alden na regalo ng fan, napalitan ng Sto. Niño mula sa ka-look alike na pari

|October 07,2019
facebook
share this

Nasirang rosaryo ni Alden na regalo ng fan, napalitan ng Sto. Niño mula sa ka-look alike na pari

- October 07, 2019 - 12:15 AM

KUNG nawala kay Alden Richards ang rosary bracelet na lagi niyang suot na galing sa isang fan, may kapalit naman daw ito na regalo ng ka-look alike niyang pari.

Nilinaw ng Asia’s Multimedia Star na hindi galing kay Maine Mendoza ang napigtal na rosaryo na may St. Benedict’s cross kundi sa isa niyang fan na talagang suot niya lagi kahit saan siya magpunta.

Sa panayam kay Alden ng ilang members ng entertainment media sa taping ng Kapuso series na The Gift, “Bigay po kasi ‘yon ni Jen, isa pong supporter ko from Rome. So, binigay po niya sa akin ‘yon when we met sa Canada, nag-concert po ako,” aniya.

May sentimental value na kay Alden ang nasabing rosary bracelet na palaging nakikitang suot niya sa mga Instagram photo niya, “Kasi ang tagal ko na po siyang suot.”

Hindi raw ninakaw ang rosaryo tulad ng kumalat na tsismis, “Kumbaga, hawak ko po siyang gano’n, tapos lumusot po ‘yung isang daliri. Siyempre ang instinct mo ‘pag may naputol, sasaluhin mo ng kamay na free. Pagbitaw kong ganu’n, nalaglag lahat.”

Pero sabi nga ng award-winning actor, kung nawala sa kanya ang rosary bracelet nakatanggap naman siya ng isa pang “blessing”, ito ang imahen ng 100-year-old Sto. Niño na bigay ng ka-look alike niyang pari na si Fr. Joseph Panaligan.

Nagulat pa nga ang Pambansang Bae nang ma-kilala ang pari dahil kapa-ngalan pa nito ang karakter niya sa inspirational Kapuso series na The Gift.

“Nu’ng nakuha ko po ‘yon, sabi ko, ‘Bakit sa akin binibigay?’ Kasi, ang ganda niya. Tapos, sabi ni Father, ‘Siya ang tunay na gift sa humanity.’

“Kumbaga, si Sto. Niño is the baby Jesus Christ. So, ‘yun ‘yung pinakaregalo nila sa akin for this project,” aniya pa.

Samantala, mas ramdam ngayon ni Alden karakter niyang si Sep sa The Gift ngayong bulag na ito. I-namin niya na mas challenging na ngayon ang bawat taping nila dahil mata na lang ang kailangan niyang paganahin ngayon sa kanyang mga eksena.

Abot-langit naman ang pasasalamat ni Alden sa lahat ng pumupuri at patuloy na nakatutok sa The Gift. Mas lalo pa raw silang ginaganahan ngayon para pagandahin pa lalo ang serye under the direction of LA Madridejos.

Ibinalita rin ni Alden na nagulat siya nang malamang kahit ang mga kaibigan niyang hindi mahilig manood ng mga soap opera ay talagang nag-aabang sa The Gift.

“Yung mga hindi nanonood ng soap na mga kaibigan ko, sila ngayon ang hooked na hooked. Nagtataka nga ako sa kanila, parang may ganu’n siyang effect,” sey pa ni Alden.

Ito rin ang komento ng ilang Kapuso viewers na naadik na rin sa The Gift, anila, parang may hatid na himala ang programa sa kanila dahil mas nai-inspire pa silang gumawa ng kabutihan sa kapwa.

Sa pagpapatuloy ng The Gift na napapanood after ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad, simula na nang mas masalimuot na buhay ni Sep dahil nakikita na niya ang mga pangyayari sa nakaraan at ang mga magaganap in the future.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At ngayong hindi na nakakakita si Sep, magawa pa kaya niyang kilalanin ang taong may kagagawan ng kaguluhan sa Divisoria na naging sanhi ng kanyang pagkabulag? At paano pa kaya niya makikilala ang tunay niyang ina? Yan ang sasagutin sa mga susunod na episode ng The Gift.

Kasama pa rin dito sina Jean Garcia, Elizabeth Oropesa, Jo Berry, Mikee Quintos, Mikoy Morales, Thia Thomalla, Martin del Rosario, Rochelle Pangilinan at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending