Sa wakas, bonggang wedding nina Richard at Sarah tuloy na sa March, 2020 | Bandera

Sa wakas, bonggang wedding nina Richard at Sarah tuloy na sa March, 2020

Ervin Santiago |October 06,2019
facebook
share this

Sa wakas, bonggang wedding nina Richard at Sarah tuloy na sa March, 2020

Ervin Santiago - October 06, 2019 - 06:01 PM

IKAKASAL na sa March, 2020 ang celebrity couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Isang bonggang announcement ang nangyari kahapon sa ABS-CBN kung saan nagkuwento nga sina Sarah at Richard tungkol sa ilang detalye ng kanilang wedding.

Napagdesisyunan ng dalawa na sa Manila ganapin ang kasal para hindi na sila magkaroon ng malaking problema sa venue at para na rin mas madaling makapunta ang kanilang mga bisita.

“We are happy to announce that we are finally getting married on March 2020 here in Manila. And we are looking forward to that date,” simulang kuwento ni Richard.

Almost 50 percent na ang natatapos nila sa wedding preparation at very soon ay ipapaalam na nila sa publiko ang iba pang details sa kasalan, tulad ng venue, exact date ng wedding at ang listahan ng entourage.
Seven years na ang relasyon nina Sarah at Chard at naniniwala sila na dumating na ang tamang panahon para humarap sila altar para selyuhan na ang kanilang pagsasama. Actually, na-delay pa nga ang wedding nila dahil biglang nabuntis si Sarah pero tuloy na tuloy na nga ito sa March, 2020.

Sa tanong kung paano nila ilalarawan ang kanilang pagsasama ngayon bago pa maganap ang kanilang wedding, “stronger” and “continuous learning process” ang sagot ng future husband and wife.

Pero sey ni Sarah, “I think putting God in the center of our relationship is the most important thing. Trust, communication, and respect are also important.”
“I used to think that there is such thing as perfect love. But there’s no such thing as perfect love but there’s only real love,” pahayag naman ni Richard.
Nang hingan naman ng mensahe para sa isa’t isa ngayong malapit na ngang maging legal ang kanilang pagsasama, ito ang sagot ni Richard, “I’m very, very excited that it’s happening soon. Excited na rin ako na finally matatawag na kitang my wife, officially.”
Mensahe naman ni Sarah sa kanyang future husband, “I’m also very excited to call you my husband and I’m very grateful kay Lord that I have you and to be able to love you for the rest of my life.”
q q q
Kinumpirma naman nina Richard at Sarah na hands on din sa wedding nila ang nanay ng aktor na si Annabelle Rama. Talagang may sarili rin daw itong listahan ng mga gusto niyang maging ninang at ninong sa kasal ng anak.
Pambubuking ni Richard, “Kami ni Sarah parang 10 or 15 pairs lang yung nasa list namin for our ninong at ninang pero si mommy may 20 to 30 pairs. So, ayusin muna namin lahat kaya let’s see kung ilan talaga.”
Wala naman daw problema kay Sarah kung nakikialam ang mommy ni Richard sa ilang detalye ng kasal, natural lang naman daw ito sa isang ina.
Pero siyempre, sila pa rin daw ni Chard ang magdedesisyon sa huli at nirerespeto nila ang suggestions and ideas ng kanilang respective families.
“Basta we’ll try to meet halfway. Of course, good intentions din naman si Tita. Pero sabi nga namin, mag-renewal of vows din sila ni Tito Eddie (Gutierrez),” natatawang chika ni Sarah kaya hagalpakan din ang members ng entertainment media.
The wedding announcement came two years after revealing their engagement. May dalawang anak na ngayon sina Richard at Sarah, sina Zion at Baby Kai.
Samantala, abangan ang kauna-unahang pagbibida ni Richard sa drama anthology ni Charo Santos na Maalaala Mo Kaya na mapapanood na ngayong Sabado kung saan makakasama niya si Elisse Joson, directed by Andoy Ranay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending