Jeric sinagot ang patutsada ni Ruru: Ako ang nanalo | Bandera

Jeric sinagot ang patutsada ni Ruru: Ako ang nanalo

Bandera |October 06,2019
facebook
share this

Jeric sinagot ang patutsada ni Ruru: Ako ang nanalo

Bandera - October 06, 2019 - 01:10 AM

JERIC GONZALES AT RURU MADRID

Sinagot ng Kapuso hunk na si Jeric Gonzales ang hugot ni Ruru Madrid na siya raw talaga ang winner sa second season ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break (2012). Si Jeric ang itinanghal na Protégé grand winner habang runner-up niya si Ruru.

Sa nakaraang presscon ng pelikula ni Ruru opposite Jasmine Curtis na “Cara X Jagger” sinabi niyang, “Alam naman ng lahat ang tunay na nanalo sa Protégé.” Kaya naman sa pocket presscon ng GMA para kina Jeric at Klea Pineda na muling magtatambal sa seryeng Magkaagaw, ito ang isa sa naitanong sa
aktor.

“Kung ‘yun po ang pinaniniwalaan niya, nirerespeto ko, kasi magaling din naman po talaga si Ruru. Pero ‘yun nga, that night, ako ‘yung nanalo. Good friends naman kami ni Ruru.

“Kung ‘yun ang sinabi niya, kapag nagkita kami, siguro sasabihin niya, joke lang ‘yun kasi alam naman niya na ako talaga ang nanalo,” ani Jeric.

Sa tanong naman kung ano ang reaksiyon niya sa mga nagsasabing runner-up lang niya si Ruru pero naunahan na siya nitong magbida sa mga teleserye ng GMA, “Somehow, na-feel ko rin ‘yun na ang dami niyang projects, tapos siya ‘yung naging hot. Pero hindi po ako ‘yung, to the point na dahil sa nakikita ko kay Ruru, madi-discourage na ako.

“Lalo pa akong na-motivate kasi alam ko, kaya ko rin ‘yun. Darating din ako sa point na ‘yun, tiyaga lang talaga,” aniya pa.

At ngayon na nga ang tamang panahon para siya naman ang magbida – sila ni Klea ang ibebentang loveteam sa upcoming afternoon drama ng GMA na Magkaagaw kung saan gaganap silang mag-asawa kaya medyo mature and daring na ang kanilang mga role rito.

“‘Yung feeling ko talaga ngayon, as an artista, parang habang tumatagal, natututo ako. Makikita ng mga tao na mas marami pa silang makikita sa akin, full of surprises. Sa tingin ko, ‘yun ang edge ko sa ibang mga aktor,” aniya pa.

Pagpapatuloy pa niya, “Sobrang overwhelmed and na-touch kasi sa sobrang tagal ng panahon, ‘yung GMA-7, talagang hindi siya nawalan ng pag-asa sa akin. This project, maganda talaga siya, magandang opportunity for me.

“Napi-feel ko ang love ng GMA na, eto na, gusto nila akong gawin na leading man,” dagdag pa ni Jeric.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending