Commercial building sa Baguio City binulabog ng bomb scare
BINULABOG ng bomb scare ang isang gusali sa Baguio City kaninang umaga, dahilan para lumikas ang mga tao sa loob, ayon sa pulisya.
Base sa inisyal na ulat, natanggap ang banta ng pambobomba ganap na alas-11:30 ng umaga sa Lyman Ogilby Building sa Magsaysay Avenue.
Nag-oopisina sa gusali ang mga pribadong kumpanya at maraming ahensiya ng gobyerno, kabilang na ang National Commission on Indigenous Peoples, Cooperatives Development Authority and at National Nutrition Council.
Hindi naman isinapubliko kung ano ang banta at kung kanino nanggaling ang bomb scare.
Nagpadala ng anti-bomb squad sa gusali kung saan idineklara namang ligtas naman ang gusali.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.