Arra napaiyak sa presscon ng ‘Madrasta’ | Bandera

Arra napaiyak sa presscon ng ‘Madrasta’

Ervin Santiago |October 04,2019
facebook
share this

Arra napaiyak sa presscon ng ‘Madrasta’

Ervin Santiago - October 04, 2019 - 12:30 AM

ARRA SAN AGUSTIN AT JUANCHO TRIVIÑO

NAPALUHA ang Kapuso actress na si Arra San Agustin sa ginanap na grand presscon ng bagong afternoon series ng GMA 7 na Madrasta.

Naging emosyonal ang dalaga habang nagpapasalamat sa mga bossing ng Kapuso Network dahil ipinagkatiwala sa kanya ang isang napakalaking proyekto kung saan makakasama niya sina Juancho Triviño at Thea Tolentino.

Sa mga hindi pa nakakaalam, nagsimula ang career ni Arra sa showbiz noong sumali siya sa Season 6 ng StarStruck (2015). Naging leading lady siya ni Ken Chan sa hit series na My Special Tatay pero mas napansin ng manonood ang role ni Rita Daniela kaya sa ending ay tila nae-tsapwera siya.

Hindi siguro akalain ni Arra na siya ang mapipili ng GMA na magbida sa Madrasta kaya talagang hindi na niya napigil ang maiyak habang nagsasalita sa presscon.

“Sobrang thankful and grateful, lahat-lahat na to the most extreme level! Gift po ito na para sa akin. In the future, hinding-hindi ko po talaga makakalimutan.

“Palagi ko pong ilu-look back na ito po yung pinakamalaki na nangyari sa buhay ko. Sobrang laking pasasalamat ko po sa GMA, at siyempre, sa buong production,” pahayag ng dalaga.

Nag-thank you din si Arra sa director ng serye na si Monti Parungao dahil talagang binabantayan siya nito sa bawat eskena, “Ito po yung first title role ko kaya sobrang overwhelmed, sobrang saya po ng nararamdaman ko.

“Pero at the same time, siyempre po kinakabahan ako kasi, una, sa malaking tiwala na hinding-hindi ko po gustong ma-disappoint yung mga tao na nag-aalaga at nagtitiwala po sa akin,” aniya pa.

Ayon pa sa aktres, matindi rin ang ginawa niyang preparasyon para sa Madrasta? “Aside from workshops, nanonood ako ng mga movie. Pinanood ko rin yung ’Madrasta’ na ginampanan po ni Ms. Sharon Cuneta.” Ang tinutukoy niya ay ang pelikulang ginawa ni Megastar noong 1996.

“Hindi naman remake ang Madrasta pero as research. Nanonood po ako ng movies at nag-observe ako ng acting nila,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending