Pasaway na jeepney driver sa Rodriguez, Rizal | Bandera

Pasaway na jeepney driver sa Rodriguez, Rizal

Leifbilly Begas - October 02, 2019 - 12:15 AM

PARANG walng gobyerno sa San Jose sa Rodriguez, Rizal noong Linggo, partikular sa may Robinsons Town Center.
Ang hirap na nga mag-park, kanya-kanya pa ng harurot ang mga tricycle at motorsiklo.
Maraming nagmamaneho at nakaangkas sa motorsiklo na hindi nakasuot ng helmet. Bukod dito ay marami ring motorsiklo na hindi lang dalawa ang sakay. Bawal ang mahigit sa dalawa ang sakay ng isang motorsiklo alinsunod sa batas.
Ang mga namamasada namang tricycle ay kung saan-saan naghihintuan. Parang mga langgam na binulabog at hindi alam kung saang direksyon pupunta.
Sa highway bago mag-Robinsons ay mayroong intersection at nasa kanto ng BDO. Sa halip na mag-u turn ang mga tricycle sa may palengke, lumiliko na sila sa naturang intersection at nagka-counter flow.
Pag medyo minalas ‘yung pasahero, sisingilin pa siya ng mahal. Wala pang limang kilometro ang biyahe mula sa San Jose hanggang sa Guinayang na sakop ng San Mateo ay P100 ang sinisingil. Ang hirap pa namang sumakay pero para makamura ay maghihintay ng pampasaherong jeepney para P9 lang ang pamasahe.
***
Bukod sa mga pasaway na pampasaherong jeepney na hindi tumatabi kapag nagbababa ng pasahero sa JP Rizal Rd., sa Rodriguez, (kapag dumiretso ka sa San Mateo ang pangalan na ng kalsada ay nagiging Gen. Luna street) ay nakakaabala rin sa mga nagdaraan ang mga UV Express na nawala na ang pagka-express dahil parang mga jeep na nagbaba at nagsasakay ng pasahero kung saan-saan.
Ang prangkisa ng UV Express ay ginawa para sa mga pasahero na diretsohan ang biyahe. Ibig sabihin, magsasakay at magbaba lang ng pasahero ang UV sa magkabilang dulo ng terminal nito.
Nagkaroon ng amyenda ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board at pinayagan ang mga UV na magbaba ng pasahero sa loob ng isang kilometro bago ang kanilang terminal.
Pero inabuso ang pagbibigay na ito. Dahil pwede ng magbaba kahit na hindi sa kanilang terminal ay bumiyahe na ang mga UV na parang mga jeepney. Nakakadagdag tuloy sa mabigat na daloy ng trapiko. Nag-uumpukan at nag-uunahan sila na parang mga pampasaherong jeepney.
At nagrereklamo rin ang mga taga-Rodriguez. Kasi P50 ang sinisingil sa kanila mula at hanggang Cubao. Tapos hindi pa nagbibigay ng discount sa mga estudyante.
Tama ba naman ang ginagawa nilang ito, LTFRB?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending