'Drug queen’ nasa US na | Bandera

‘Drug queen’ nasa US na

- October 01, 2019 - 05:02 PM

ISINIWALAT ni National Capital Region Police Office chief Major General Guillermo Eleazar na nasa US na ang umano’y “drug queen” na si Guia Gomez Castro.

Unang naibalita na nagtungo sa Thailand si Castro, dating chairwoman ng Brgy. 484 sa Sampaloc, Maynila.
Ang dating kapitana ang sinasabing kasabwat ng mga “ninja cops” sa pagbebenta ng mga drogang nakumpiska sa operasyon ng mga pulisya.

Ayon kay Eleazar, lumabas sa kanilang monitoring na pumunta rin si Castro sa Taiwan bago ito tumungo sa US.
Dagdag ng niya, nagsasagawa na rin ang National Bureau of Investigation ng financial investigation sa dating pinuno ng barangay.

Iniimbestigahan din aniya ang mga kamag-anak ni Castro at ang mga tumulong para ito ay makatakas.

Una nang itinanggi ni Castro ang alegasyon sa kanya at pinili umano niiyang manahimik para sa kanyang kaligtasan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending