Vice: Espesyal si Ion, salamat sa pagrespeto sa damdamin namin | Bandera

Vice: Espesyal si Ion, salamat sa pagrespeto sa damdamin namin

Bandera - October 02, 2019 - 12:20 AM

AMY PEREZ, RYAN BANG, JHONG HILARIO, VICE GANDA, ANNE CURTIS, TEDDY CORPUZ AT JUGS JUGUETA

MATAPANG na inamin ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa harap ng madlang pipol na espesyal sa kanya si Ion Perez.

Hindi man diretsong inamin ng TV host-comedian na boyfriend na niya ang hunk model-actor, sa mga naging sagot niya sa 10th anniversary presscon ng It’s Showtime the other night tila kumpirmasyon na nga ito sa relasyon nila ni Kuya Escort.

Natanong si Vice tungkol sa Instagram photo na ipinost niya kamakailan kung saan kasama niya si Ion, kuha ito sa ginanap na All-Star Games 2019, “Unang-una, gusto ko. Pangalawa, kaya ko. Pangatlo, puwede naman.”

“Si Ion, espesyal siya. Napapasaya niya ako, napapangiti, napapakilig niya ako,” dugtong pa niya.

Nagpasalamat din si Vice sa lahat ng nagpapadala ng mensahe sa kanila ni Ion, “Ang daming masaya na masaya ako. Sa panahon ngayon, lalo na pag showbiz ka, mas mahalaga pag ‘yung artista malungkot, may iskandalo, kasi mas gustong pinag-uusapan ng mga tao ‘yon. Pag may nangyayaring masama doon sa mga artista, iyon ‘yung headline na lahat interesado.”

“Pero ‘yung simpleng kasiyahan ko, na nararamdaman ko ang daming nagre-react, ang daming nag-aabang kung ano’ng susunod na mangyayari, nao-overwhelem ako at grateful ako sa inyong lahat, dahil masaya kayo sa kasiyahan ko, at hindi niyo iyon gustong kontrolin,” lahad ng TV host-comedian.

Pagpapatuloy pa niya, “May mga gusto kayong malaman, pero hindi niyo pakikialaman. Maraming salamat po sa inyong lahat sa pagbibigay respeto na lang din doon sa damdamin namin. At masaya talaga ako na masaya kayo para sa akin.”

Siniguro naman niya na walang magaganap na pag-amin tungkol sa relasyon nila ni Ion sa magaganap na 10th-anniversary celebration ng It’s Showtime, “Walang mangyayaring ganyan. Pero masaya po kami ni Ion.”

Kamakailan, sa isang trending episode ng Showtime, naging emosyonal ang rumored couple nang magpalitan sila ng “I love you” on national TV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending