DALAWA hanggang tatlong bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong buwan.
Nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Onyok. Alas-10:30 ng gabi ng tumawid palabas ng boundary ng bansa ang bagyo.
Ngayong umaga ito ay nasa layong 695 kilometro sa hilaga ng Basco, Batanes. Umaabot sa 140 kilometro bawat oras ang bilis ng hangin at pagbugsong hanggang 170 kilometro bawat oras.
Isang low pressure area naman ang binabanatayan ng PAGASA at posible na ito ay pumasok sa PAR.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.