Carla Humphries bumalik sa Pinas para sumabak sa aksyon
Magbabalik sa showbiz si Carla Humphries sa pamamagitan ng action movie na “Kid Alpha One” na pinagbibidahan ni Javi Benitez.
Maganda ang role ni Carla at walang takot din siyang gumawa ng risky stunts, “Medyo gray ang character ko, hindi mo malalaman on the side siya of people. Mayroon kaming link ni Kid Alpha.
“Basically, first time kong mag-action. First time kong magyosi sa eksena kasi ‘yung character ko ay nagyoyosi. Talagang pinush ako ni direk Richard Somes so parang medyo lahat ng hindi ko pa nagagawa ay gusto niyang ilabas dito so, sobra akong excited sa role ko dito.
“Walang harness saka majority of the stunts ay ako ang gumawa. Pero my mga double din kami dito na sobrang galing din pero kapag kaya ko ay ginagawa ko lahat. Ang ganda lang talaga ng role ng mga babae dito kasi lahat palaban,” kuwento ni Carla.
“Iba talaga kapag nag-try ka at iba rin kapag nilagyan mo ng limits ang sarili mo. Iba rin kapag akala mo hindi mo kaya pero naniniwala sa iyo ang direktor mo.
“First time ko sa lahat ng stunts. Hindi naman ako sobrang fit na fit. Nagba-boxing lang ako. Noong unang beses ay nahulog ako sa leeg ko. Mayroon kaming scene at nahulog ako na nauna ang leeg. Okay naman,” dagdag pa niya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.